These past days, masyado syang busy sa pag-aasikaso sa kasal nina Zac at Loraine. Kahit pa sabihin hands-on- naman talaga kahit papaano ang dalawa, pero trabaho parin nya ang masiguro na maayos ang lahat. Kanina lang, katatapos lang nina Loraine at Zac sa pagpapaplano sa maging entourage ng mga ito. Kailangan nyang kunin ang mga schedule sa mga maging entourage para sa wedding rehearsal ng mga ito.
Napagpasyahan nya na sa San Bartolome muna pangsamantalang mananatili para mas mapagtuunan nya ng pansin ang kasal ng dalawa. Hindi muna sya tumanggap ng kahit anong trabaho, talagang sobrang hands-on sya sa kasal ng mga kaibigan. Malaki ang utang na loob nya sa mga ito. Wala man perpekto but she wanted to give hee very best para sa kasal ng dalawang kaibigan.
Tinahak nya ang daan patungo sa opisina ni Kyle. Kailangan nyang masiguro na nasa ayos lahat para sa mahalagang gagampanan ng restaurant nito sa kasal ng dalawa.
“Please sit down!” nakangiting sabi nito.
Kaswal lang nya ito nginitian, saka sya umupo sa upuan na nasa harap ng mesa nito.
“How are you Alissa?”
“I’m fine.” Kaswal nyang sagot. “But, I’m not here para makipagkumustahan sayo. Siguro naman alam mo ang rason kung bakit kailangan natin magkita diba?” napataas ang kilay nyang sambit.
Pag makikita nya si Kyle, magkahalong galit at sakit ang madarama nya, idagdag pa ang ibang emosyon na hindi nya kayang ipaliwanag. Pero, kailangan nyang isangtabi ang lahat para sa mahalagang okasyon sa buhay nina Zac at Loraine.
“Yes. I know.” Sabi nito, saka tumayo. “So, can you go with me sa kitchen?” inilahad pa nito ang mga kamay nito. Ang sinasabi nitong kitchen ay ang malaking kusina ng restaurant nito.
“Hindi tayo mag food tasting ngayon Kyle—hindi ko trabaho ang mamili ng mga pagkain para sa kasal.” Taas kilay na sabi nya dito. “This coming Sunday ang food tasting nina Loraine at Zac dito sa restaurant mo.”
“Yes. I know —pero gusto ko rin magpatulong sayo para mamili kung ano ang ihahanda namin bukas para sa prenup.”
Tinaasan nya ito ng kilay.
“Kahit na anong meron kayo—hindi naman ninyo kailangan maghanda masyado, snack lang naman para sa mga crew ang kailangan.”
“I can’t prepare whatever—pangalan kasi ng restaurant ko ang pinag-uusapan dito. “nakangiti ngunit buo ang boses nito. “Since wala naman sina Loraine at Zac—ikaw nalang ang proxy nila.”nakalahad parin ang mga kamay nito.
Inis nya itong tinignan. Saka sya tumayo at hindi tinanggap ang mga kamay nito. Nakita nya ang frustration sa mga mata nito pero hindi nya pinansin.
------
“6 food snack kasi ang pinagpipilian ko na ihanda namin bukas. Since 3 lang naman ang napag-uusapan ninyo nina Zac at Loraine—kaya naguguluhan tuloy ako kung ano ba sa tatlo ang pipiliin ko.” ani sa kanya ni Kyle ng tuluyan na silang nakapasok sa isang room na malapit lang sa kusina. Maganda pala ang kitchen ng restaurant nito, malaki ang space. Kanina, nakita nya na bising- bisi ang mga crew nito.
“This is a peperroni pizza rolls with fresh herbs” pakilala ni Kyle sa isang inihanda nito, saka ito kumuha at plano talaga syang subuan. Ngunit hindi nya tinanggap ang akmang pagsubo nito sa kanya.
“Kaya kong kumain mag-isa.” Saka sya ang kusang kumuha at tinikman nya. Hindi sya nakatingin dito kaya hindi nya alam kung anong ekspresyong ng mukha nito. Sarap na sarap sya pero hindi nya ipinahalata.
“What do you think?”
“It’s good!” matipid na sagot nya.
“Thank you. C’mon, try this one—this is vegan mini burgers and this is vegan tacos.” Sabay turo nito sa ibang dalawa pagkain. "Mahilig kapa naman sa mga pagkain vegan."
Taas kilay nya itong tinignan, nginitian sya nito. “That was before,hindi na ngayon.” pagsisinunggaling nya dito.
“Ok.”
Tinikman naman nya ang mga ito. Again, nasarapan naman sya pero hindi nya ipinahalata dito.
“And this one is—ham and cheese with jam, the dressing.”
Tinikman na naman nya.
“And these two are: Mini Margaret pizzas with cheese, tomatoes, and herbs.” Turo nito sa isa. “And sandwiches with prosciutto and fresh arugula.”
Tinikman naman nya ang dalawang huli na ipinakilala sa kanya.
“So—may napili kana?” nakangiting tanong nito maya’t- maya lang.
Kaswal lang sya tumingin dito. Sa totoo lang, medyo nahirapan syang mamili, puro naman kasi masarap ang lahat pero sa bandang huli namili parin sya ng tatlo.
-------
“By the way, dahil nasa ibang bansa pa si Zaith kaya ikaw ang napili ni Zac para maging bestman nya.” sabi nya dito ng nakabalik na sila sa office nito.
“He told me already.”
Oo nga naman. Bakit ba hindi nya naisip? Siguro, dahil gusto lang nyang may pag-uusapan sila, para mabawasan ang tensyon nadarama nya.
“I hope you can come sa rehearsal o kahit sa final rehearsal lang.”
“Sure.” Ngumiti ito. “Nandun ka, eh!” titig na titig ito sa kanya.
Iniwas nya ang paningin dito.
“Wag mo rin kalimutan ang rehearsal dinner, 3 days before the wedding.” Kahit may dalawang buwan pa bago ito, kailangan parin nyang ipaalala ito dito. Ang restaurant parin nito ang mag cater sa rehearsal dinner.
“Ok. Ano nga yong theme?”
“Farm- to- table and Locally minded fare.” Kaswal lang na sabi nya dito.
“Nice.” Tila may paghanga na sabi nito. “I hope katulong kita sa pag-iisip sa kung ano’t- ano ang magandang ihanda.”
Napatingin sya muli dito at nakita nya na tila seryoso ito sa sinabi nito.
“I’m not a chef, Kyle—“ kaswal na sabi nya dito. Kailanman, hindi sya padadala dito. “Maraming chef dito na pwede makatulong sayo.
“Oo. Tama ka!” tila may lungkot sa boses nito. “Siguro I just miss the time na ka----“
“Don't forget this coming Sunday, food tasting nina Loraine at Zac.” Putol nya sa iba pang sasabihin nito. Ayaw na nyang marinig ang kahit ano’t- ano mula dito, na magpaalala lang ng nakaraan nila.
Narinig nya ang pagbugtong hininga nito.
“Ok.” Matipid na sabi nito. Nakatitig lang ito sa kanya.
“So paano—I think I better go!”agad syang tumayo, saka akmang talikuran na ito ng nagsalita ito.
“Ah Alissa—“ tumayo din ito. “Can I invite you for a lunch?” may pagsusumamo sa mga mata nito.
“Nabusog ako kanina.” Hindi sya nagpakita ng kahit anong ekspresyon. “At saka marami pa akong gagawin Kyle, kailangan ko pang makipag-coordinate sa pinsan mo na si Ella para sa 1st fitting ng gown ni Loraine sa susunod na araw.” paraan nya para tanggihan ang inalok nito.
Tila nanlumo ito.
“I see.” Pilit itong ngumiti. “Maybe, next time?”
“I don’t know Kyle.” Tanging lumabas sa bibig nya. “I should go now!” hindi na nya hinintay na magsalita ito, agad na nya itong tinalikuran. Baka madala na sya ng tunay na nadarama.