TPLY 2

1237 Words
“Good afternoon antie!” nakangiting bati ng 16 years old na si Alissa sa antie Milagros nya. Kasalukuyan nitong ini- arrage ang mga bulaklak. Kapatid ito ng mama nya, at ang ina ni Savanah. May sarili itong flower shop na nasa San Lazaro. Ito nalang at si Savanah ang natitira nyang kamag-anak na kilala nya. Nung isang taon, namatay na kasi ang ina nya. Katatapos lang ng klasi nya sa araw na ito, kaya napagpasyahan nya na bisitahin ito. Kasalukuyan syang nasa unang taong ng senior high years nya. Nasa bahay parin sya ng mga Del Fuengo nakatira. “Mabuti naman at nandito ka.” Walang ngiti ang labi na sabi nito. Nasanay na sya dito, sadyang malamig ang pakikitungo nito sa kanya. “Puntahan mo nga yon pinsan mo sa itaas, may ibibigay daw sya sayo.” saka ibinalik nito ang pokus sa ginagawa. Nagsimula syang pumanhik sa 2nd floor. Dalawang palapag ang bahay ng antie nya, ang unang palapag ay ang flower shop nito habang ang ikalawang palapag ay ang tinitirhan nito at ng anak nito na si Savanah. Nang nasa itaas na sya ng bahagi ng bahay, agad syang tumungo sa kwarto ni Savanah at marahang kumatok doon. “Come in!” ani nito, saka nya binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanya ang nakahilata sa kama na si Savanah na tila may ginagawa sa laptop nito. Pagkatapos nitong grumadwet sa senior high, hindi na ito nag-aral sa kolehiyo. Pinangakuan kasi ito ng daddy nito na nasa Germany na kukunin ito at doon sa Germany papaaralin, ngunit naging dalawang taon nalang, hindi parin ito kinuha ng ama. Pero, patuloy parin ang pangako ng ama na kukunin ito balang araw. Kaya ang laging ginagawa ni Savanah ay ang magshopping, pumupunta sa kahit saan-saan kasama ang mga kaibigan at humilata. Hindi ito tumutulong sa mama nito sa flower shop. Hindi pala mag-asawa ang mga magulang nito, bunga lang kasi ito ng isang pagkakamali. “Alissa—“ ani nito. “Mabuti, nandito ka.” Nasa laptop parin ang pokus nito. Napansin nya na bagong rebond na naman ang buhok nito. Mahilig din pala itong pumupunta sa parlor. “May ibibigay ka raw sa akin.” Sabi nya habang pasimpleng pinulot ang ilan sa mga damit nito na nasa sahig lang at hindi nailagay ng tama sa lagayan ng mga labahin. Talagang tamad ito at walang alam sa mga gawain bahay. “Oo. “ ani nito. “Buksan mo ang itaas na bahagi ng closet ko. Baka may mga damit ako na kasya sayo, napaglumaan ko na naman ang mga nandyan. Wala na kasi akong mapaglalagyan sa iba.” Sa ginagawa parin nito ang pokus. Hindi nya alam kung ano ang ginagawa nito. Mukhang may ka- chat ito. Sinunod naman nya ang sinabi nito. Lagi talagang ibinibigay nito sa kanya ang mga napaglumaan na nito. Kahit pa sabihin, hindi naman nya halos nasusuot ang iba dahil halos labas na ang kaluluwa kung isusuot nya ang mga ito. Hindi pa naman bagay sa kanya ang mga damit nito, pero bagay bagay naman dito ang isinuot nito. Maliban kasi na napakaputi nito, talagang biniyayaan ito ng tangkad at katawan na parang isang modelo. Tinitignan- tignan nya ang mga damit na nandoon, pero wala talaga syang nagustuhan. “Savanah—I think sa iba mo nalang ibigay ang mga ito, wala kasi akong mapili.” Totoong sabi nya dito. Napataas kilay itong napatingin sa kanya. “Oh, I forgot---“ insulto pa syang hinagod ng tingin . “Manang ka nga pala.” Nakatawa pa ito. Saka ibinalik nito ang pokus sa ginagawa. Hindi na sya na-offend sa sinabi nito, dahil nasanay na sya sa pagiging prangka nito. Agad nyang isinara ang closet nito. Mas mabuti lumabas nalang sya sa kwarto nito at tutulungan nalang nya ang kanyang antie na magsara ng shop. Aaminin nya, may kunting inggit sya sa pinsan. Lumaki ito na spoil at sunod ang lahat ng gusto, she almost have everything. Pero ang mas kinaiingitan nya dito ay ang katotohanan na ito ang babaeng mahal na mahal ni Kyle, ang lalaking pinapangarap nya mula pa nung bata pa sya. Halos isang taon na ang relasyon ng mga ito, at tulad din ang ibang taong nakakapaligid dito, talagang spoil din ito kay Kyle. Halos lahat ay ibinigay nito sa babae, halos linggo- linggo ay ipinag-shopping nito si Savanah, at ibinigay lahat ng gusto nito, katulad ng bagong cellphone at laptop nito, na puro latest ang model. Well, napakaswerte naman nito dahil ang boyfriend nito ay anak ng isang bilyonaryo kaya sunod din lahat ng layaw nito. --------- --------- It’s aready 6:30 nang nakarating na sya sa gate ng mansion ng mga Del Fuengo. Pagkatapos nyang magbayad sa tricycle driver, agad syang bumaba mula sa tricycle. Pinagbuksan sya agad ng gate ng guard ng bahay. “Medyo ginabi ka yata ngayon.” nakangiting sabi nito sa kanya. “Opo. Pinuntahan ko pa kasi si antie.” Nakangiti din sagot nya dito. Nagpaalam naman sya kanina sa mga amo nya na sina Karl at Shay na pupuntahan nya sandali ang antie nya. Maganda ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawa at hindi katulong ng bahay ang tingin ng mga ito sa kanya. Agad syang pumasok sa loob ng gate, pero nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita sa parking area ang kotse ni Kyle. “Mang Nilo, umuwi po ba si senyorito Kyle?” itinago nya ang kasiyahan. Excited na excited sya. Every weekend lang nandito si Kyle sa San Bartolome, nag-aaral na kasi ito sa isang malaking culinary school sa Manila, BS HRM ang kurso nito dahil pangarap nito ang maging chef. Kasalukuyan itong nasa 2nd year college na. “Oo.” Sagot naman nito. Nagmamadali syang pumasok sa loob ng bahay. Isa sa magandang bagay na nangyari sa relasyon nina Kyle at Savanah, ay ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Kyle, naging close nga sila nito. Sumalubong sa paningin nya ang nakangiting mukha ni Kyle. “Hi!” bati nito sa kanya. “Kanina pa kita hinihintay.” “Bakit mo naman ako hinihintay?” itinago nya ang kilig. “Alam mo—you’re the best talaga!” ani nito, lumapit sa kanya, saka sya inakbayan. Naghahabulan yata ang mga daga sa loob ng dibdib sa ginawa nito. “Tama nga ang mga advice mo sa akin—nung pinatikim ko sayo ang spice- rubbed chicken thighs ko” saka ito bumitaw sa kanya at may kinuha ito na isang certificate. “ Look, I win!” nakangiting sabi nito sa kanya. Masaya sya sa narinig. Ang tinutukoy nito ay ang sinalihan nito na isang cooking contest ng school nito. Mula ng nag-aral ito sa ng BS HRM, isa na sya sa taga-suporta nito. Ang pagkakaroon nya ng magandang panlasa pagdating sa mga pagkain ay naging advantage nito. Bago kasi nito ini-present ang mga recipe nito ay ipinapatikim muna sa kanya. At kadalasan, ginagawa nito ang advices nya at naging maganda ang naging resulta. “You are really my greatest supporter.” Masayang sambit nito. “At dahil dyan, I will treat you." “Anong ibig mong sabihin?” hanggang tainga ang lapad ng kanyang ngiti. “I will give you 20 minutes para magbihis, sa labas na tayo kakain. Nasabi ko na kina mommy at daddy.” “Ok.” Saka sya nagpaalam dito at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang pagpanhik sa kwarto nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD