Tuwang- tuwa sila ni Aldrine habang nakasakay sa golf cart. Ang ganda ng tanawin na nakikita nila. Ang sarap pa sa pakiramdam habang binabalot ang katawan nila sa malamig na hangin ng Isla.
Nasa Pearl Island silang dalawa. Mula sa Hidden Pearl Resort, kailangan sumakay ng golf cart para makapunta dito sa Isla. Pwede din sumakay ng speedboat, pero mas pinili nila ni Aldrine na sa golf cart sasakay.
Pag-aari ng kuya Zac nya ang buong Isla. Ang isla ang venue ng prenup ng kuya Zac nya at ni Loraine. Malaking bahagi kasi sa buhay ng dalawa ang isla. Dito binuo ng dalawa ang isa sa pangarap ng mga ito. Loraine and her kuya Zac are best of friends. Mula yata ng nagkaisip ang dalawa, magbestfriend na ang mga ito. At ngayon, sinong makapagsasabi na ikakasal na ang dalawa.
"Wait!" pigil sa kanya ni Aldrine sa akmang paglabas nya mula sa gold cart.
Lumingon sya dito. Pero sinalo ng mga labi nito ang labi nya. Sandali lang sya nakatulala dahil agad din syang nakipagpalitan ng halik dito.
Ang sarap talagang humalik ni Aldrine, napakatamis ng mga labi nito. Kaya, hindi nya mapigilan ang sarili na namnamin ang bawat sandali na magkalapat ang mga labi nila.
------
Katatapos lang ng photoshoot ng kuya Zac nya at ni Loraine nang dumating sila ni Aldrine. Masayang- masaya sya dahil naabutan pa nya si Alissa. Agad naman nagbatian sina Aldrine at Alissa at nag-usap sandali.
Sandali pa nyang nakausap ang kuya Zac nya at si Loraine. Inusisa sya ng kuya nya tungkol sa status nila ni Aldrine at syempre, hindi nya inamin dito na meron silang relasyon na under unwritten contract. Wala kasing nakakaalam na kahit sino sa relasyon na nila ni Aldrine ngayon. Lihim na lihim lang ang usapan nilang relasyon.
Hindi din naman nagtagal ang kuya Zac nya at si Loraine, may importante pa kasing pupuntahan ang mga ito.
------
Katabi nya ngayon na nakaupo si Alissa sa buhanginan, nakaharap sila nito sa tabing dagat. Niyaya nya itong maligo, pareho silang naka- two piece nito. Dinalhan nya kasi ito ng pampaligo.
“Anong status nyo ngayon ni Aldrine?” tanong nito.
Nabigla sya sa tanong nito. Nag- usisa din ito ng tulad ng kuya nya?
Masyado na ba silang halata ni Aldrine?
“We’re on a non committal relationship.” Mas pinili nyang sabihin dito ang totoo.
“What?” gulat na bulalas nito.
Napalingon sya sa bungad nito.
“Hindi ko naikwento sayo na kung pareho ang kapalaran namin noon ni Aldrine—naulit na naman ngayon. I met again Clyde and he met again Suzette, nainlove uli ako kay Clyde at nainlove din sya uli kay Suzette, pero sa bandang huli sina Clyde at Suzette na naman ang nagkainlaban uli kaya naiwan kaming luhaan pareho ni Aldrine--- so we decided to take a trial relationship sa isa’t- isa.” Mahabang paliwanag nya dito.
“Clouie----“ parang gusto syang pagalitan nito. Pero tinawanan lang nya ito.
“C’mon Alissa, hindi naman seryoso ang relasyon namin ni Aldrine. We just enjoying each other company.”
“Nag-eenjoy naman kayo sa company ng isa’t- isa kahit nung magkaibigan palang kayo.”
Tama naman ito. Pero, masaya pala nang binigyan nila ni Aldrine ng kakaibang spice ang friendship nila.
“But it’s a little bit different now.” Nakangiting sabi nya dito.
“Isa ba sa nabago ay ang paghahalikan nyo sa isa’t- isa na parang wala ng bukas.”
Namula yata sya sa sinabi nito. Baka nakita nito ang paghahalikan nila kanina ni Aldrine. Buti nalang hindi nakita ng kuya Zac nya at ni Loraine.
Bakit naman kasi, hindi nila mapigilan pareho ang maghalikan?
“You saw?”
“Yah! With my two big eyes.” Napatawa pa ito ng mahina.
“Ok fine.” Pagsuko nya. “He’s a good kisser. At gustong- gusto ko ang halik nya.”
Makahulugang ang titig nito sa kanya.
“Clouie, are you inlove with Aldrine?”
“Of course not.” Tanggi nya na totoo naman. Mahina pa syang napatawa. “It’s his kisses that I like.”
Maya’t- maya lang natigil silang dalawa sa pag- uusap ng umahon mula sa kung saan ang isang machong lalaki na nagpatulala ng husto kay Alissa. Nakangiti nalang sya na napailing ng napansin nya na napahagod pa ito ng tingin sa lalaki. May palunok- lunok pa ito.
"Hi Clouie---" Ani ng pinsan nyang si Kyle, na kay Alissa naman nakatingin. "Hi, Alissa...."
Lihim syang napangiti nang tila namumula pa si Alissa habang nakatingin sa kanyang pinsan.
Mukhang hindi pa talaga tuluyan nakamove on itong kaibigan nya dito sa pinsan nya.