FMY 6

708 Words
Inayos muna ni Alexa ang gusot na buhok bago binuksan ang pinto. “Lola Milagros—“ sambit nya sa pangalan ng taong napagbuksan nya. “May kasama kaba sa loob?” tanong nito. Kinakabahan sya. Narinig ba sila ni Adrian nito? Mahina naman ang boses nila ng binata. “H-Ha?” kinalma nya ang sarili. “Wala po. Bakit po?” “Para kasing may mga hagawhaw akong naririnig.” Bahagya pang ipinasok nito ang ulo sa kwarto nya, saka ipinalinga – linga nito ang paningin sa loob. Sobrang kaba na ang nadarama nya. Buti nalang nakapagtago agad si Adrian sa loob ng banyo. “Baka guni- guni ko lang.” nakahinga sya ng maluwag. “Nanonood po ako ng movie sa laptop ko, baka yong ang narinig ninyo.” Pagsisinunggaling nya. Ngumiti pa sya. “Baka nga!” ngumiti din ito. “Sige—matulog kana.” Tumango lang sya. Buti nalang nagpaalam din ito agad. Sandali pa nya itong sinundan ng tingin. Nasa ibaba ang kwarto nito, kaya nakahinga sya ng maluwag ng bumaba na ito sa hagdanan. Ang katapat ng kwarto nya dito sa 2nd floor ay ang dalawang guestroom, at ang kwarto ng kuya Kiefer nya. Nasa Manila ang kuya nya. Habang ang kwarto naman ng mga magulang nila ay nasa 3rd floor. Agad syang pumasok uli sa kwarto nya. Ini-lock nya ang pinto. Marahang nyang kinatok si Adrian sa loob ng banyo. Nakangiti pa ito nang binuksan ang pinto ng banyo. Inis na inis ang mukha nya na nakatingin dito. “Hey, what’s that face?!” kunot- noong tanong nito. “Paano ka ngayon makaalis dito?” Tinalikuran nya ito, saka sya umupo sa gilid ng kama nya. Sumunod ito sa kanya at tumabi sa kanya. “Don’t worry—sa beranda uli ako dadaan.” Ngumiti pa ito. Pinandilatan nya ito ng mga mata. Natatawa lang ito. “Wag mo ng gawin uli ang umakyat dito sa kwarto ko Adrian, na sa beranda ka dadaan.”buo ang boses nya. Kung alam lang nito kung gaano sya pinag-alala nito. “Bakit? Ganun naman ang ginawa ni Romeo kay Juliet?” “Hindi naman tayo sina Romeo at Juliet.” Hindi nya alam kung dapat bang matuwa dito. “Hindi nga!” saka iniyakap na naman nito ang braso sa kanya. Hindi na sya nagreklamo. “Dahil wala silang happy ending, samantalang gagawin ko ang lahat para magkaroon tayo ng happy ending.” Buo ang malambing na boses nito. Napalingon sya dito. Sinalo naman ng mga labi nito ang labi nya. Sandali lang naman ang halik nito na tila pa-smack lang. “Dito nalang ako matutulog sa kwarto mo.” may lambing ang boses nito. “Ano?” kinakabahan sya. Bumalik kasi sa alaala nya ang ginawa nila kanina. Nag-iinit ang pisngi nya ng naalala kung anong bahagi na ng katawan nya ang nahaplos na nito kanina. “Aalis din naman ako mamaya pag tulog na ang lahat.” Napansin nito ang hindi makapali nyang sarili. “Don’t worry wala naman akong gagawin masama sayo.” mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya. Makahulugang na tingin ang pinakawalan nya para dito. Ipinaalala nya dito ang muntikan ng ginawa nito sa kanya kanina. “Ok fine.” Binalikwas nito ang mga kamay na nakayakap sa kanya. Nakatawa pa ito na iniharang ang mga kamay. May halong pagsuko ang boses nito. “Aaminin ko, muntikan na akong nakalimot kanina.” Saka sumeryoso ang mukha nito. “I promise, I won’t do that again!” nasa boses ang katotohanan sa mga pinagsasabi nito, pero maya’t- maya lang ngumisi ito. “But—if you ask me to—“ kumidhat ito. Nag-init tuloy ang pakiramdam nya. Kaysa salubungin ang kalandian nito. Agad nyang inayos ang sarili sa pagkakahiga sa kama. “Can you switch off the light?!” may halong pag-uutos nya dito. Paraan nya ito para sabihin dito na pumapayag sya na makikitulog muna ito sandali sa tabi nya. Inayos nya ang lampshade. Nakangiti naman itong sinunud ang inutos nya. Sa totoo lang, buong puso nya itong hinintay na tumabi sa kanya. Na ginawa naman nito agad. Isa munang maalab at matagal na halikan ang ginawa nila bago sila magkayakap na natulog nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD