“Bakit mo iniwan agad ang Ms. Universe ng buhay mo?" Tanong ni Peter sa kanya.
“Nakakahiya kay Zabrina. At saka, hinintay ang kuya, eh! Napaka- inosente ni Aaliyah at halatang hindi sya sanay sa presensya ng isang lalaki.” Mahabang sagot nya. Pero, madalas ang pagsulyap nya sa magandang dalaga.
“Natural! Sa pagkakaalam ko, she's just 15 at mayaman talaga ang angkan nya.”
15? Ang bata pa talaga nito. Pero, babantayan nya ito hanggang sa sumapit ito sa tamang gulang.
“Oh!” ani ni Baltazar. “Pare, yon isa mong bestfriend, nandito!”
Napatingin sya sa bungad ng entrance at nakita nya ang pagpasok ng isang kaaway.
Hindi naman talaga ito ang kaaway nya kundi ang kambal nito. Pero, basta isang Zalmeda ay kaaway sa paningin nya. Ang lakas ng loob nitong mag-isa? Ano kaya ang ginagawa nito dito?
At bakit nga ba sya galit sa kambal nitong si Adrian? Dahil maliban sa pinaiiyak ng binata ang isa sa mga kaibigan nyang babae, si Adrian Zalmeda din ang dahilan kaya sya nakulong ng anim na buwan sa disciplinary house nung 17 years old pa sya, at hanggang ngayon, hindi parin sya nakaganti sa lalaki. Muntikan na nga syang namatay dahil dito.
Mukha kasi laging tinulungan ng kadiliman si Adrian at lagi itong nakaligtas mula sa plano nila ng kanyang mga barkada. Wala naman sa plano nila na patayin si Adrian, plano lang nila itong turuan ng leksyon.
“Pareng Aaron—“ ani ni Baltazar. “—ang lakas naman ng loob mo na mag-isa ngayon at pinuntahan kami dito sa teritoryo namin.”
“Bakit hindi mo kasama ang kambal mo?” Ani ni Peter. “Wag mong sabihin, natatakot yon sa amin.”
Napatawa naman si Aaron sa sinabi ng mga kaibigan nya. Isa din itong hambog. Magkakambal ba talaga sina Adrian at Aaron? Ang layo ng hitsura ng mga ito. Si Aaron, mestizo. Si Adrian, kasing itim ng budhi nito. Hindi pala, kasing balat pala nya si Adrian.
“Bro’s, kahit naniniwala ako na kaya kong patumbahin kayong apat.” Ani ni Aaron. “Pero, hindi ako pumunta dito ngayon para makipag-away sa inyo. May sinusundo ako.”
“Aba, hambog ‘to!” ani ni Peter. Mukhang nainis na ito.
“Peter, Simon, Baltazar, tumigil kayo. Ang dapat natin patumbahin ay yon kalaban natin, hindi itong buntot.” Makahulugan nyang sabi na nagpatawa sa mga kabarkada nya.
Pero, hindi man lamang nainsulto si Aaron sa sinabi nya.
“Pareng Elijah Ferrer, ikaw ba yan? Halos hindi kita nakilala. Mukha kana kasing tao ngayon. Uminom kaba ng isang container ng holy water kaya naging ganyan ang hitsura mo. Sa wakas, pwede kanang pumasok sa simbahan.” Tawang- tawa sabi nito.
Bahagya syang nainis. Sadyang mainit pa naman ang dugo nya sa mga Zalmeda. Baka hindi lang dito at sa kambal nito. Baka sa lahat ng Zalmeda makikilala nya. Pero, pinigilan nya ang sarili. Pasalamat ang lalaking ito, na wala sya sa mood para makipag-away ngayon. Nandito kasi si Aaliyah at baka matakot pa ito sa kanya, kung makita nito na may nabugbog sya na isang hambog na lalaki.
“Bro Aaron Zalmeda, pasalamat ka at ayaw kong makipag-away ngayon.” Kinalma nya ang sarili. “Dahil pag hindi, baka kanina ka pa nagkaroon ng black eye.”
“Nandito kasi ang prinsessa nya Bro, kaya umalis kana.” Ani ni Simon.
“Prinsessa?” tumawa ito. “May pagkabaduy ka pala Ferrer!” tumikhim ito. “Well, wala din ako sa mood makipag-away ngayon, sinusundo ko kasi ang baby ko.”
Sya naman ang tumawa.
“Baby? Mas baduy ka pala kaysa sa akin.”
---------
Nailigpit agad ni Aaliyah ang mga gamit ng nakita nya ang kuya Aaron nya na dumating na. Napagpasyahan nilang dalawa ni Zabrina na lapitan nalang ito. Mukha kasing masaya itong nakipagkwentuhan sa grupo ni Elijah. Magkakilala pala ang mga ito. At mukhang magkaibigan pa. Nagtatawanan pa kasi ang mga ito.
Humakbang na sila ni Zabrina palapit dito.
“Wow, mukhang magbestfriend ang kuya mo at ang prince mo.” Kinikilig na bulong ni Zabrina sa kanya.
“Tumahimik ka muna dyan!” saway nya dito.
Ang lapad ng ngiti ng dalawang lalaki nang nakita sya ng mga ito na palapit. Ngumiti din sya, hindi nya alam kung sino ang nginitian nya. Ang kuya Aaron nya o si Elijah.
“Aaliyah!” sabay sambit ng dalawa. Saka nagkatinginan ang mga ito.
“Kuya, hindi ka man lang nagte-text na matatagalan ka.” Lambing nya sa kuya nya. Saka sya lumapit dito at humalik sa pisngi nito.
Nakasanayan na nyang maging ganito sa mga kapatid. Humahalik talaga sya sa pisngi ng mga ito.
“Oo nga! Busog na busog tuloy ako.” Ani naman ni Zabrina.
“Wait!” ani ni Elijah. “Kuya?”
“Oo. Magkapatid kami. Magkakilala pala kayo ng kuya ko?” nakangiti sya.
“I-Isa kang Zalmeda?”
Anong kaya ang nangyari kay Elijah? Bakit parang gulat na gulat ito? At halos hindi makapaniwala?
“Ah. Oo. Zalmeda nga ako.” Ipinalipat- lipat nya ang tingin sa dalawang lalaki. Napakunot- noo sya. Bakit natahimik pati mga kaibigan ni Elijah?
“Kuya, magkakilala pala kayo ni Elijah? Magkaibigan kayo?”
Gusto sana nyang sabihin dito na ito ang lalaking lagi nyang ikinukwento dito, pero nahihiya sya kay Elijah.
Parehong hindi makapagsalita ang dalawang lalaki. Maya’t- maya lang, sabay na napatikhim ang mga ito. Saka parang hilaw na nag-ngitian sa isa’t- isa.
“Oo. Magkakilala kami.” Ani ni Elijah.
“Matagal na kaming magkakilala. Hindi naman kami gaanong close.” Ani ni Aaron.
“Ah! Ganun ba? Ang saya kasi ng tawanan ninyo kanina.”
Hilaw pa din nagka- ngitian ang dalawa. Napakunot- noo sya. Bakit kaya ang weird naman ng mga ito?
---------
Lumong nasundan ng tingin ni Elijah ang papalayong sina Aaron, Aaliyah at Zabrina.
Halos hindi sya makapaniwala sa nalaman. Isang Zalmeda si Aaliyah? Pinaglalaruan ba sya ng tadhana? Akala ba naman nya kumukulo ang dugo nya sa lahat ng Zalmeda? Bakit gustong- gusto parin nya si Aaliyah, sa kabila ng katotohanan na kapatid ito ng mortal nyang kaaway?