FMY 17

1589 Words
Halos apat na araw na ang nakakalipas mula ng dinala sya ni Adrian dito sa isla. Mukhang planadong- planado nito ang ginawang pagkidnap sa kanya. Pati mga gamit nya ay kumpleto. She wondered kung ano kaya ang nangyari sa engagement party nila ni Kevin? Baka hinahanap na sya ngayon. Baka nag-alala na sa kanya ang mga magulang nya. Kailangan na nyang makausap si Adrian. Kailangan na nya itong makumbinsi na iuwi na sya sa San Bartolome. Mahinang katok ang ginawa nya sa pintuan ng kwarto ng binata. Agad naman syang pinagbuksan ng pinto nito. Pero, agad nalang syang napatulala ng tuluyan tumambad sa paningin nya si Adrian. Wala kasi itong ibang suot sa katawan kundi tanging boxer lang nito. Hindi nya napigilan ang sarili na hagurin ito ng tingin, sinabayan pa nya ng lunok. His body is so perfect. Ito na yata ang pinakaperpektong katawan para sa kanya. Nang napaangat sya ng tingin dito, hindi nakatakas sa paningin nya ang papilyo- pilyong pangiti nito. Nag-init bigla ang pisngi nya ng nag-iwas sya ng tingin dito. Binabalewala nya ang nag- iinit na pakiramdam. “I- I want to talk with you.” Sa wakas naisambit narin nya ang pakay. Pinilit nyang maging kaswal ang boses at hindi mahalata nito ang panginginig nya. Kahit kasi hindi sya nakatingin ng diretso dito, pero alam na alam nya na titig na titig na naman ito sa kanya. “Ok. What is it Babe?” may kasiyahan sa boses nito. Sa loob kasi ng ilang araw na magkasama sila nito, ngayon lang nya ito kinakausap. “P-Pwede magbihis ka muna bago tayo mag-usap.” Hindi nya napigilan sambitin. Hindi talaga sya kumportable sa suot lang nito ngayon. Nanginginig kasi ang buong kalamnan nya at nag-iinit ang kanyang katawan. “Bakit naman ako magbibihis kung sinusurvey muna ang katawan ko.” tila inaakit sya ng boses nito. “Hindi ka naman siguro naaakit sa akin." Lihim syang napalunok. Hindi dapat mahalata nito na nagsimula na syang manghina ngayon. Kinalma nya ang sarili saka kaswal syang tumingin dito. Hindi nya ito bibigyan ng satisfaction na mahalata nito na naaakit parin sya dito. “Of course. Why should I?!” she paused. “Hindi na ako magpaligoy- ligoy, Adrian. Gusto ko lang sabihin sayo na kailangan mo na akong iuwi ngayon.” Sinalubong nya ang mga titig nito. Ipinakita nya ang kabuuhan ng boses nya. “Hinahanap na ako ngayon nina mommy at daddy na kamag-anak mo.” Paraan nya para ipaalala dito, kung ano sa buhay nito ang mga nag-alala sa kanya ngayon. Ngunit kaysa mahabag ito. Ngumiti lang ito. “Don’t worry Babe, kahit ilang buwan kapang mawawala, walang maghahanap sayo.” Napanganga sya sa sinabi nito. “A-Anong ibig mong sabihin?” “Sabihin nalang natin, I planned everything.” Makahulugang sabi nito na tila bulong lang. Pero, sakto naman na narinig nya. Agad na kumulo ang dugo nya sa narinig. Nakangiti itong sumandal sa habla ng pinto nito. Hindi man lamang iniinda nito ang halos hubad na katawan nito. Well, baka hindi narin nya napansin ang katawan nito dahil nasa galit nya dito ang kanyang pokus. “I hate you! Anong ginawa mo?” Kaysa sumagot ito. Tumawa lang ito. “Walang hiya ka, Adrian!” bulyaw nya dito. “Anong karapatan mo para gawin ito sa akin. Hindi mo man lang naisip ang kahihiyan nadarama ngayon ng bestfriend mong si Kevin. Hindi man lamang ako nakapunta sa engagement party namin.” Galit na sabi nya dito. Sinabayan nya ng pasuntok- suntok sa malapad na dibdib nito. Hinayaan lang sya nito sa ginagawa nya. “Don’t worry, babe! I got that one too.” Nakangiting sabi nito sa kanya, sabay hawak sa magkabilang pulsuhan nya. Galit syang napaangat ng mukha dito. Mukhang wala lang dito ang galit nya kasi nakangisi ito. “What do you mean?” “Don’t ask many things dahil isa lang naman ang patutunguhan sa isasagot ko sayo, ang alam nila, sumama kana sa lalaking mahal na mahal mo.” kaswal lang na pagkakasabi nito. “What?” sandali nyang naipikit ang mga mata dahil sa sobrang galit. Saka tila nag-aapoy na tingin ang iniukol nya sa binata. “How could you?!” nagpupumiglas sya kasi hawak na hawak parin nito hanggang ngayon ang pulsuhan nya. “Don’t touch me. Bitawan mo ako. I hate you!” Ngunit kaysa bitawan sya nito. Pabiglang kinulong nito ang katawan nya sa mga braso nito. Nagpupumiglas sya sa ginawa nito. Pinilit nyang kumawala. “Can you please, calm down!”may halong inis ang boses nito. “If you won’t stop, baka saan pa hahantung itong ginawa kong pagyakap sayo ngayon.” may halong pananakot ang boses nito. Tumigil sya sa pagpupumiglas kaya niluwagan din nito ang pagyakap sa kanya. Napaangat na naman sya ng mukha dito. At dahil naiinis sya sa nakangising hitsura nito, kaya pinagsusuntok na naman nya ito sa dibdib, sabay sabing--- “I hate you, Adrian! Iuwi mo na ako sa San Bartolome. You can’t get out with this. Ipapakulong kita!” Maagap din nahawakan uli nito ang pulsuhan nya. “Tinatakot mo ba ako babe? Well, nakakatakot nga naman ang mga sinasabi mo, kaya lang hindi ako natatakot.” Mahina itong napatawa. “Nakalimutan mo na ba? Hindi ako madaling takutin? Kahit nga si kamatayan, kinakalaban ko.” Basag-guliro nga pala ito noon. At ilang beses ng nasangkot sa gulo ang fraternity nito, kung saan ito ang leader. Tumatawa ito pero maya’t- maya lang napalis ang tawa nito nang--- “Wait! Where is your ring?” napuna nito ang daliri nya. Rumihistro ang galit sa mukha nito at mapanganib ang titig na iniukol nito sa kanya. “H-Ha?” she can’t find her words. Nagsimula na kasi syang kabahan. “Hinubad mo ang engagement ring natin?” may galit sa boses nito. “Kasi---“ lumaghap sya ng hangin. Hindi naman talaga nya sinadyang hubarin yon. Hinubad lang nya ito sandali kasi may ginagawa sya at naging sagabal ito. Nakalimutan nyang isuot uli dahil masyadong okupado ang isip nya kanina kung paano ito makumbinsi na iuwi na sya. Pero, nilakasan nya ang loob. Sinalubong nya ang titig nito sa kanya. “Oo,. Hinubad ko. Ano naman ngayon? Ayaw ko ngang magpakasal sayo.” Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “You ask for it, Alexa!” Hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito. Pabigla syang hinila nito papasok sa kwarto nito. Marahas syang itinulak nito, napahiga sa kama nito. “A-Anong gagawin mo?” nanginig na yata ang boses nya. “What do you think?” may kapilyuhan ang pangisi nito. Bago pa sya makabangon mula sa kama nito. Pinasadahan na sya nito. Hindi sya mapakali ngayon nasa ibabaw na nya ito. “A-Adrian, let me go!” tila bulong lang nya na pagkakasabi kasi hinang- hina na talaga sya. Ayaw na yatang lumabas ng boses nya. He is pinning her on the bed. Habang nakahawak ang mga kamay nito sa pulsuhan nya na nakataas sa magkabilang gilid nya. “You already knew what will be the consequences, babe. But, you still do it!” sunod- sunod ang paglunok nya nang hinagod pa nito ng tingin ang buo nyang mukha. She even felt his manhood on her legs. At nagsimula nang nag-eeskandalo ang isip nya. Nilakasan nya ang loob, hindi nya hahayaan na masagawa nito ang masamang plano nito sa kanya. “Oras na gagawin mo yang plano mo, I swear to y------------“ Hindi na nya natapos ang ibang sasabihin nang marahas na inangkin nito ang kanyang labi. Mapagparusa ang halik nito. Bago pa tuluyan mawala ang kunting katinuan nya. Agad nyang kinagat ang ibabang labi nito. Umaapoy ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “Bakit mo ako kinagat ha?” Sinalubong nya ang galit na titig nito na kasing intensidad. “Don't you dare kissing me. Ayaw kong magpahalik sayo. At ayaw ko rin magpakasal sayo.” galit ang buo nyang boses. “Really?” napatla itong napatawa. “Bakit, ano ang magagawa mo? Kung sampung beses akong mas malakas sayo.” Tama naman ito. Pero, hindi sya padadaig dito. Kailangan nyang mag-isip ng tama. “Kung ipipilit mo ang gusto mo, magpapakamatay ako.” wala sa loob na sabi nya. Pero, wala plano nya na bawiin ang kanyang nasambit. Sandali lang itong napanganga dahil sa sinabi nya. Dahil kalaunan, bigla itong napatawa. “Ok fine! Pakakawalan mo na kita ngayon.” saka sumeryoso ang mukha nito. Nakabasa sya ng panganib sa mga mata nito. “But, dapat isuot mo uli ang singsing mo dahil pag hindi ko yon makikita sa daliri mo mamaya. Malalaman mo talaga kung paano ako magalit ng sobra.” pagbabanta nito. Mataman syang tinititigan nito. Bigla yatang napalis ang tapang nya kaya agad syang nag-iwas ng tingin dito. “Wag mo akong takutin, babe. Alam mo naman siguro na kahit sa kabilang buhay, susundan kita. Mas mabuti pa nga siguro at doon nalang tayong tumirang dalawa. Just YOU and ME.” Mariin na pagkakasabi nito. Saka ito umalis mula sa pagkakapatung sa kanya. Sya yata ang natakot sa pananakot nya dito. Kinalma nya uli ang sarili. Nang nakabawi na sya, mabilis syang umalis mula sa kama nito. “I hate you!” huling sinabi nya dito. At mabilis pa sa alas- kwatro ang ginawa nyang pag-alis mula sa kwarto nito. Hindi nya pinansin ang nakikita nyang kalungkutan sa mga mata nito. Mahal nya si Adrian pero kailangan nya itong tikisin dahil bawal silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD