"Kailangan ba namin magmano sayo?” nakatawang sabi ni Peter kay Baltazar.
“Wag nyo na akong biruin dahil sugo na ako ng diyos.” Ani naman ni Baltazar. Hindi naman ito galit, nakangiti pa nga ito.
Kasalukuyan nilang binibisita magkakaibigan si Baltazar sa kombento na pinagsisilbihan nito. Isa na itong ganap na pare. Habang si Peter naman ay isa nang corporal lawyer. At si Simon ay pinamahalaan na nito ang negosyo ng pamilya, may sarili na itong asawa at dalawang anak.
Masaya sya at tinupad ng mga kaibigan ang pangako nilang apat sa isa’t- isa noon bago sila nagkahiwalay. Babaguhin nila ang mga buhay nila. Mahigit palang sa dalawang taon mula nang umuwi sya dito sa Pilipinas, galing sya sa Italy. Doon nya binago ang kanyang buhay.
At ngayon, kasalukuyan nyang minamanage ang negosyong naiwan ng ama, isa itong land development business, kaya nag-aaral sya ng architectural at landscaping, pati na business course. Nag part time din sya sa pagte- train ng taekwondo, palipas oras lang talaga nya ‘to.
Nung bumalik sya dito sa Pilipinas, agad nyang hinanap ang mga kaibigan. Gusto nyang malaman kung ano na ang buhay ng mga ito. At sobrang saya ang nadarama nya at naging maganda ang buhay nga mga ito. Dahil sa haba ng panahon at sa mga pangyayari na hindi napaghandaan, naputol din ang komunikasyon nilang apat. Pero, ni minsan hindi nya nakalimutan ang mga kaibigan na itinuring narin nyang mga kapatid.
“Sige Father, were sorry!” ani ni Simon.
Magkaharap silang naupo na apat.
“By the way, pwede bang ikaw ang magbinyag sa anak ko.” Ani ni Simon.
Nakangiting napatango si Baltazar.
Marami na silang napagkwentuhan. Mag bagay na nangyayari sa kanila nung mga panahon na hindi sila magkasama. At pati narin ang mga kalokohan nila noon. Masarap din naman balikan ang nakaraan paminsan- minsan.
-------
She can’t take it already! Kailangan nyang pumunta sa isang lugar na hindi nya makikita kahit anino ni Elijah. Lagi nalang silang nagkikita nito, kahit sa Manila pa sya nanalagi. At dahil sa naging okupado ang isip nya sa presensya nito, kaya hanggang ngayon, wala parin sya naisip na pwedeng idagdag sa series na ginawa nya. Kailangan na nyang matapos ang series na ginawa nya, dahil kinukulit na sya ng kanyang editor.
Kailangan nyang pumunta sa isang tahimik na lugar at manatili lang ng sandali doon, hanggang sa matapos nya ang series na ginawa nya.
Pero, saan? Kailangan ba nyang pumunta abroad? Pero, yon hindi naman masyadong malayo.
“Kung yan ang pinuproblema mo. Bakit hindi ka doon sa isla ng kuya Adrian mo mamalagi?” ani ni Zabrina sa kanya.
Binibisita nya ito sa bahay nito at ng asawa nito. Nasa may bakuran sila ng bahay, nakaupo sa garden seat.
“Mag-isa lang ako dun. Hindi ba delikado ang lugar na yon.” Sumipsip sya sa orange juice.
“Hindi naman! Romantic nga ang lugar na yon. Doon nga nabuo ang kambal namin ni Hayden.” Sabay haplos nito sa maumbok na tiyan nito. Malapit na itong manganak, kaya hindi na masyadong lumalabas. Kabuwanan na kasi nito at any moment, pwede nang lumabas ang kambal nito.
“I think about it! Pwede nga naman doon ako mamalagi. Walang mangingistorbo sa akin doon at lalo na walang kahit anino ni Elijah doon.”
Hindi nya mapigilan sambitin. Mahina itong napatawa.
“Akala ko ba hindi ka apektado sa presensya ni Elijah. Bakit parang affected na affected ka dyan?”may panunukso ang mga mata nito.
“I’m not affected of him, ok? Inis lang ako sa isipin na lagi nalang kaming nagkikita. Para tuloy ang liit ng mundo para sa amin dalawa.” Ininis nya ang boses.
“Ok.” May halong pagsuko ang boses nito. “Hindi kana affected. Take my advice. Makapag-isip ka talaga ng tama doon sa isla. At baka pagbalik mo pa dito, ibang tao kana at kaya mo nang harapin uli si Elijah.”
“FYI friend, kaya ko syang harapin na taas noo. I just don’t to want see or to talk to him.” Giit nya sa totoo dito.
“Ok na, baka pati ako, hindi mo narin papansinin.” Nakatawang sabi nito.
“Malapit na kung hindi mo itigil ang kapilyahan mo. At baka mawalan ng magandang ninang ang mga anak mo.” Nakatawa narin sya.
“Hindi lang maganda, marami pang pera.” Hinaplos nito uli ang tiyan pero maya’t- maya lang---
“Aray!” reklamo nito.
“B-Bakit? A-Anong nangyari sayo?” pag-alala na tanong nya.
“Sumasakit na yata ang tiyan ko. Kabuwanan ko ngayon, baka manga---“
“Are you sure?” paniniguro nya dito.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
Mukha ngang hindi, kasi putlang- putla na ito.
“Oh God!"
Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagtawag nya sa driver. Wala pa naman ang pinsan nya dahil may pinuntahan ito sandali na isang kliyente.
-------
“Ang gwa-guapo noh! I made that one.” Nakangiting sabi ni Hayden sa kanya. Nakaraos narin si Zabrina at kasalukuyan nasa recovery room pa ito.
Nakatingin sila ni Hayden sa praternal twins nito sa glass window ng visiting area ng nursery ng hospital. At ang gwa- guapo nga ng mga anak nito.
“Hindi talaga ako makapaniwala na may anak na kayong dalawa ngayon, considering hindi mo naman sya pinapansin noon at lagi mo pang ipinapahiya.” Hindi nya mapigilan sambitin. Pag- ibig nga naman! Para tuloy gusto nyang gawin inspirasyong sa nobelang ginawa nya ang love story ng dalawa.
“Yah! But I really love her. I will be a good husband and father.” May kabuuhan ang boses nito.
“I know you are! Nasa lahi kaya yan natin.”
Nagkangitian sila ng kanyang pinsan.