“Ang blooming mo ngayon. Ganyan ba talaga pag buntis?” nakangiting tanong nya kay Zabrina. Naglalakad sila nito papasok sa AAZ Sport and Fitness. Isa itong gym na pag-aari ng mga kuya nyang kambal na sina Adrian at Aaron.
Hindi naman mag gi-gym ang kaibigan nya, 6 months pregnant na kasi ito. At twins ang ipinagbubuntis nito na puro lalaki. Sinamahan lang sya nito kasi ngayon ang 1st day nya sa taekwondo class nya. Kung kalian malapit na syang mag- goodbye sa edad na 26, saka pa nya napagpasyahan na subukan ang taekwondo. Parehong black belter ang kuya nya sa taekwondo. Sakto naman at nag-offer ang gym ng mga kuya nya dito.
Hindi na sila masyadong nagkikita ng matalik kaibigan dahil nasa Manila na ito nanalagi. Actually, paminsan- minsan ay nasa Manila din naman sya, paminsan- minsan nandito sya sa San Bartolome. At isinama lang nya ito dito ngayon sa San Bartolome. Mabuti nalang pumayag ang pinsan nyang si Hayden na asawa nito, na isama nya ito ngayon.
"Pwede din ganyan ang rason! Pero, may iba talaga dahilan ang glow ko ngayon.” Namilya itong napangiti.
“And what is that?” huminto sya at humarap dito. May kapilyahan ang titig nya dito.
“That’s the glow when you had a good s*x last night.” Papilya- pilya itong napatawa.
Sandali syang napatitig dito. Saka sya napatawa. Medyo si Maria Clara pa ito noon, nun wala pa itong asawa pero nang ikinasal na ito sa pinsan nya, bigla nalang itong naging maharot.
“Ikaw talaga! Kahit malaki na nyang tiyan mo. Ang pilya mo parin!” natatawang sabi nya at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
“My friend, ginagawa yan ng mag-asawa. Mag-asawa ka na kasi, para makarelate ka sa akin.” Ani nito.
“At sino ang aasawahin ko kung hindi naman ako nagkaroon ng boyfriend kahit minsan.” Sarkastik na pagkakasabi nya dito. Pero in a good manner naman.
Totoo naman ito. At 26, hindi pa talaga nya naranasan ang magkaroon ng boyfriend dahil sa isang kadahilanan na hindi nya maipaliwanag. Ang puso nya kasi ay kailanman hindi na tumibok sa ibang lalaki na nakakasalamuha nya. Kahit pa, halos magkakandautal na sya sa dami ng kanyang mga manliligaw.
Isa syang romance novelist, at bata pala sya ay isa na syang hopeless romantic. Isa ito sa katangian na namana nya mula sa grandma Haylee nya. Ang grandma nya ay ang kasalukuyan CEO ng Love Gems Publishing Company. Ito ay isang kompanya na naglalabas ng iba’t- ibang nobela, kadalasan mga romance ang tema. Pero meron naman mga horror, adventure, at iba pang theme, meron pa ngang for adults only. Balang araw, sya din ang papalit sa posisyon ng grandma nya at pamahalaan ang kompanya nito.
Oo nga pala. Sya nga pala si Aaliyah Zalmeda. Masasabing kinaiingitan sya ng halos karamihan, pero hindi naman nya ipinagmamalaki yon. Biniyayaan kasi sya ng isang nakakahumaling na kagandahan. Meron syang taas na 5 feet at 6 inches, at mala porselana ang balat nya. Meron din syang mala-modelong katawan. Maraming nagsabi na para syang isang diyosa, dahil ito sa kanyang maamong pagmumukha at medyo kulot na buhok. Madalas nga syang tawagin “Aphrodite” ng mga kakilala nya noon. Galing sya sa isang multi- billionaire na angkan Del Fuengo. Isa sya sa mga membro sa tinatawag na 3rd generation Del Fuengo Clan.
22 silang lahat na magpipinsan na member ng Clan, at dalawa nalang silang single. Sya ang pinakabata na membro. Halos lahat ng mga pinsan nya ay lumagay na sa tahimik kasama ang asawa ng mga ito, ang iba may mga anak na nga. Ang latest na ikinasal ay ang pinsan nya na si Hayden, sa kasama nya ngayon na kaibigan na si Zabrina. At naging saksi sya sa love story ng dalawa. Isa yon patunay, that love is really mysterious, at walang impossible pag puso na ang mag- utos.
Meron syang dalawang nakakatandang kapatid na lalaki na paternal twins. At puro may asawa na ang mga ito, pareho narin may anak. Ang kuya Adrian nya, kambal ang anak na babae at lalaki, habang ang kuya Aaron naman nya, ay babae ang anak. Ang mommy nya ay tumigil na sa pagmamanage ng hacienda Del Fuengo dahil ipinaubaya na ito sa kuya Adrian nya. Habang ang daddy naman nya ay ang nagmamanage parin sa C and A carshop, habang ipinaubaya na nito ang pagmamanage sa showroom sa kuya Aaron nya.
Since childhood, she already believed everything about love and fairy tales. Kaya nung unang tumibok ang puso nya sa batang edad, she almost did everything para magkaroon sila ng happy ending ng lalaking pinaniniwalaan nyang itinadhana para sa kanya. Hindi naman nya lubos akalain na maiwan lang pala syang luhaan at sugatan ang puso.
Mula nung, hindi na sya nag-abalang makipaglapit pa sa kahit sinong lalaki. Kaya napagkamalan tuloy sya na man- hater. Pero, hindi naman sya ganun, she just don’t want to fall in love again. She doesn’t want to pick up again the broken pieces of her aching heart.
“Good morning kuya!” nakangiting sabi nya sa kuya Adrian nya nang tuluyang na silang napakasok ni Zabrina na opisina nito sa gym.
Napatigil ang kuya nya sa ginagawa. At napaangat ang mukha nito sa kanila ni Zabrina.
“Good morning!” nakangiti ito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Lumapit ito sa kanya at humalik ito sa pisngi nya.
“Kasama mo pala si Zabrina.” Puna nito kay Zabrina.
“Goodmorning Kuya!” nakangiting bati ni Zabrina sa kuya nya. Kuya narin ang tawag nito sa dalawa nyang kapatid. Minsan na kasi itong tumira sa kanila noon. Hanggang sa kinuha din ito ng mga magulang nito na nasa Canada.
“Ilan buwan na yan?” tanong ng kuya nya na ang tinutukoy ay ang tiyan ni Zabrina.
“6 months.” Nakangiting sagot ng kaibigan.
“Congratulation sa inyo ni Hayden.” ani ng kuya nya. Ngumiti lang ang kaibigan. “Hindi madali ang mag-alaga ng kambal, medyo nahihirapan nga kami ni Alexa nung mga unang taon namin. Pero, nalampasan namin yon na magkasama at ngayon nga tuwang- tuwa kami sa kambal namin.”
Dalawang taon na ang mga anak na kambal ng kuya nya sa asawa nito na si Alexa. Basang- basa nya ang kasiyahan sa mga mata ng kuya nya. Iba din ang pinagdaanan ng kuya Adrian nya at ni Alexa, halos forbidden love. Pero sa bandang huli, ang mga ito din ang nagkatuluyan. Pag-ibig na naman!
Marami pang pinag-uusapan sina Zabrina at ang kuya nya, na medyo hindi sya nakaka- relate dahil tungkol ang mga yon sa pagbubuntis at pag-aasawa.
“Don’t tell me isasama mo si Zabrina sa pagtete-taekwondo mo.” Ani ng kuya nya sa kanya. “Bawal sa kanya yan!”
“Si kuya talaga! Alam ko yan, ok?” pinausli nya ang labi.
Sweet sya sa dalawang kapatid pero mas sweet sya sa kuya Aaron nya, halos bini-baby sya nito. At pinagbibigyan sa halos lahat ng gusto nya. Medyo strict kasi ang kuya Adrian nya sa kanya at mahabang taon din itong naninirahan sa ibang bansa.
Napatawa ang kuya nya.
“Sasama nga ako kay Aaliyah, pero manonood lang ako at bilang moral support narin nya, sa kanyang 1st day of training.” Nakangiting sabi ni Zabrina.
“You will be fine, baby girl! And don’t worry, tulad ng hiniling mo sa akin, ang magiging trainor mo ay ang pinakamagaling dito, at dahil 1st day mo, isang private class ang ibibigay ko sayo.” Nakangiti ang kuya nya.
“Really? Thank you kuya!” masayang sambit nya. Napayakap sya sandali dito.
“Do you want me to take you to the training room? O ikaw nalang ang pupunta doon.”
“I will be fine, just show me the way. Ayaw kong makadistorbo masyado sayo. Alam kong marami kang ginagawa.”
Nakakahiya talaga sa kuya nya kung distorbuhin pa nya ito masyado. Sa pagkakaalam nya, ang hasyenda naman ang aatupagin nito kinahapunan, mabuti nalang at katulong nito ang asawa nito sa pagmamahala ng hacienda.
Ngumiti ang kuya nya saka ito may ibinigay na instruction sa kanya.
--------
“Wow, mukhang may dating ang trainor mo ha!” bulong sa kanya ni Zabrina nang nakapasok na sila sa training room.
Nakita nila ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng uniporme para sa isang taekwondo. Alam nyang black belter ito dahil black ang kulay ng belt nito. Pa stretching- stretching ito ng katawan. At kahit nakatalikod ito, halata ang kagandahan ng katawan nito.
“Ikaw ha! Isusumbong na kita dyan kay Hayden. “ bulong din nya sa kaibigan.
“Excuse me my friend, si Hayden lang ang masarap para sa akin.” May kapilyahan dito. “Hindi naman para sa akin, para sayo! Baka makilala mo na ngayon ang magiging forever mo.”
“Forever? Agad- agad? Trainor ko yan! Hindi ko yan kaano- ano. At saka yon maging forever ko. Hindi pa isinilang, nasa sinapupunan palang ng ina.”
Mahina itong napatawa sa sinabi nya.
Hindi nya alam kung ano ang sasabihin para mapansin sila ng trainor nya. Para kasing kinakabahan sya. Si Zabrina kasi, agad- agad pa naman syang itinutukso dito, kaya tuloy nagwawala ang mga precious rats sa dibdib nya.
Mabuti nalang at ang lalaki na ang kusang humarap sa kanila. Nilaparan nya ang ngiti pero napalis din agad yon, habang ang lalaki naman ay natigil sa ginagawa. Nagkatinginan sila nito. Tinatangtiya nila na tama sila, kilala nila ang isa’t- isa.
“H-Hi Elijah!” si Zabrina. “I-Ikaw pala ang trainor ni Aaliyah?” mukhang kinakabahan din ito.
Saka lang sya nakabawi sa pagkabigla. Saka walang sabi-sabi na tinalikuran nya ito.
“Aaliyah, wait!”
Hindi nya pinansin ang pagtawag ni Elijah sa kanya.
“N-Nagkaroon po sya ng regla agad- agad. Sumasakit ang puson nya at ayaw pa nyang magtraining.” narinig pa nyang sabi ni Zabrina, saka ito sumunod sa kanya.
Bakit ba ang lalaking ito ang ibinigay na trainor ng kuya nya sa kanya? At saka, akala ba nya magkaaway ang dalawa, bakit nandito sa gym ng kuya nya ang bweset na si Elijah Ferrer? Oo nga pala. Wala palang kaalam- alam ang kuya Adrian nya tungkol sa kanila ni Elijah noon, ang kuya Aaron lang pala nya ang may alam.
At sino nga ba si Elijah Ferrer? Ito lang naman ang lalaking naging dahilan kaya nawasak ang puso nya noon at kaya hindi na ito tumibok kahit kailan sa ibang lalaki. How could him at may lakas na loob pa pala ito para magpakita pa sa kanya?
------
Walang nagawa si Elijah kundi sundan nalang ng tingin ang papalayong si Aaliyah. Hindi naman nya ubos akalain na si Aaliyah pala ang sinasabi ni Adrian na kailang e- training.
Kung alam lang nya, sana naihanda nya ang kanyang sarili. Hindi naman nya masisisi ang dalaga kung nilayasan sya nito agad. Galit ito sa kanya. At mukhang hanggang ngayon, galit parin ito sa kanya.
“Aaliyah!” tila bulong na sambit nya.