Capitulo Cuarenta y cinco Flashback “Ano ba iyon, Steven?” tanong ko sa kanya. “Pwede bang sumama ka sa akin saglit?” Sandali akong napatitig sa kanya at sinuri ito. May tiwala ako sa kanya kung kaya’t tumango ako bilang sagot. Imbes na umuwi na sa apartment ay pumunta kami sa lugar kung saan mas maayos ko raw malalaman ang totoo at mukhang alam ko na ang nais niyang ipahiwatig sa akin. Pumunta kami sa isang music studio na pagmamay-ari ng kalaban naming entertainment. Pumasok kami roon at nakita ang members ng Sexy Play Band na nagpapraktis. Katulad ng LB ay may comeback din sila. Palagi naman silang nagkakatapat. Halos parang dalawang linggo lang ang pagitan kapag nagkacomeback sila. At kaya siguro wala si Steven ay dahil dito. Tama nga ang hinala ko. Siya si Sven, ang vocali

