Capitulo Cuarenta Lahat kami ay literal na nagulat sa aming narinig. Hindi ko inaasahan na ang kapatid ni Lorcan na si Lena ang maglalagay ng drug sa bag ng kanyang kuya at ang magiging dahilan ng kaguluhan na ‘to. Everyone is silent. Even Lorcan stayed quiet and stared at her for more than a minute. Siguro ay ipinoproseso pa rin nito ang sinabi ng nakababatang kapatid at kung anu-ano pang katanungan na tumatakbo sa isipan niya ngayon. “L-Lena…” mahinang wika ni Lorcan. Tumawa siya at umiling na parang hindi naniniwala sa kapatid niya. “W-What the hell are you saying? Stop joking,” nanginginig na wika nito. Umiyak si Lena sa harap ng kuya niya. Tanging paghikbi lang ang naririnig namin ngayon. Paulit-ulit na umiling ang dalaga at saka muling nagsalita. “I-I am sorry kuya. Hindi ko

