Minulat ni Lhalhaine ang kanyang mga mata nang sabihin ng kanyang make up artist na si Ms Jane Bacaling, isang fashion designer and a make up artist. Ito ang kinuha niya dahil na rin sa recommendations ng Ate Lara niya classmate nga rin raw ito ni Ate Mary niya. Napa angat siya ng tingin nang marinig niya ang pag tawag sa pangalan niya. "Lyn..." Boses ng kanyang Ina. Ngitian niya ang Ginang namumula ang mga mata. "Ma..." Hinaplos ng Ginang ang kanyang buhok na may pag suyo. "Ang bilis lang ng panahon, ikakasal ka na anak, iiwan muna kami ng Papa mo. Mamimiss ka naman, Ina ka rin ngayon, masakit man pero kailangan kong tanggapin na `di na sa amin iikot ang mundo mo pero sana huwag mong kalimutan ang aral na bilin namin sa iyo ng Papa mo. Sana maintindihan mo din na kaya nag makakaganun

