Chapter 50 NASA Coffee shop niya si Lhalhaine ngayon. Nakaupo sa isang mesa kaharap si Mari, Oo ang kanyang naging Doctor noong pinagbubuntis pa niya si Throne. Malaki talaga tinulong ng babae sa kanya kasi hindi lang simpleng pasyente lang ang turing nito sa kanya kundi parang kaibigan na din. Naikwento na niya rin rito ang tungkol sa kay Tyeron. Noong magtanong ito kung sino ang ama ng anak niya, napagkamalan kasi nito si Mikael. 'Di niya makakalimutan ang reaksyon ng babae ng time na 'yon tila ba hindi ito makapaniwala sa nalaman. Hindi din lihim sa kanya ang simpleng sulyapan ng dalawa, feel nga niya noon, sinasadya talaga ni Mikael sumama sa kanya magpacheck up kahit 'di naman dapat kaso ang malungkot lang doon ay kasal na si Doc. Pero ramdam niyang 'di ito masaya sa married life nit

