Hindi niya mapigilan ang sariling hawakan ang pisngi ng lalaki bigla siya nakaramdam ng pag asa. Tinitigan niya ang berdeng nitong mga mata at hinaplos ang pisngi nito. "Ano nakikita mo sa panaginip mo? Ano ginagawa ko? Ano ginagawa natin?" sunod-sunod na tanong niya. Tinignan siya nito ng matagal. "Nakita kitang ngumiti sa akin, hindi nga lang clear Kung saang lugar 'yon. Magkasabay tayong naglalakad na para bang close na close tayo and----s**t!! It's hurts!!" paliwanag nito naputol dahil dumaing ito bigla sabay hawak sa ulo. "Bakit, ano nangyari? May Masakit ba sayo?" natataranta na tanong niya. Napahawak kasi si Tyeron sa ulo nito at dumadaing. Napa upo pa ito sa sahig kaya mas lalong gumagrabe ang kaba niya. "MANANG, TULOG!!!" sigaw niya at mabilis na lumuhod sa harap ng lalaki.

