CHAPTER 35 Aia “TELL me what happened, Mikaia. Damn! You’re freaking me out,” ani Phoebus na palipat-lipat ang tingin sa ‘kin at sa kalsada habang nagmamaneho. Pinasakay niya ako sa kanyang kotse pagkatapos ko siyang yakapin. Hindi ko naman siya nakitaan ng iritasyon, tanging pag-aalala lang. Hanggang ngayon din, hindi pa ako makaramdam ng hiya. Siguro, masyado pa akong pre-occupied dahil sa nawawalang kwintas. Nawawala ang kwintas. Nang maalala ko na naman ‘yon, muling nangilid ang mga luha sa mata ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang isang luha na tumulo. Dahil do’n, inihinto muli ni Phoebus ang sasakyan. Narinig ko pa siyang nagmura kaya naman kaagad ko nang pinalis ang luha ko at binigyan siya ng pilit na ngiti. Baka naiirita na talaga siya sa akin. Ayaw niya lang i-ipahala

