Chapter 12

1730 Words
Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na nakahubad. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Psh! Huwag kang assumero dyan? Chinecheck ko lang kung humihinga ka pa. Baka mamaya kasi nalagutan ka na ng hininga." Palusot ko. Halata naman na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil pinagtawanan niya ako. "Poor woman, don't be shy. Alam ko naman na noon pa lang adik na adik ka na sa pangangatawan ko." Sinadya niya pang kagatin ang pang-ibaba niyang labi na animoy nang-aakit ito. Nandiri ako sa pang-aakit niyang 'yon. Muntik pa akong masuka sa sinabi niya. "Yuck! Aso lang ang makikinabang dyan sa buto-buto mong katawan, 'no. Psh! In your dreams." Sa ikalawang beses, pinagtawanan na naman niya ako kaya sininghalan ko siya. "Whatever! O siya, maligo ka na at ako na ang magluluto ng almusal natin. Baka malate ka pa sa trabaho mo e." Inirapan ko na lamang siya saka nilayasan. Kahit papaano ay nakakatuwa naman siya minsan lalo na sa pagluluto. Nakakabagot kasi magluto tuwing umaga kaya minsan kape at bread lang ang kinakain ko bago pumasok sa trabaho. Bukod kasi sa mag-isa ako ay nagtitipid rin ako sa paggamit ng gasul. Mahal pa naman. Habang naliligo ako at nasa kusina naman si Kenneth na nagluluto ng almusal. Hindi pa gising si Cleo kaya malaya pa kaming makagalaw-galaw dito sa bahay. Matapos kong magbihis ay inayos ko muna 'yong mga laruan ni Cleo na nagkalat sa sala habang maaga pa naman. Naglinis na rin ako saglit dito sa bahay kagaya ng nakasanayan ko. Isinalang ko na din ang mga labahin ko sa washing machine. At saktong pagtawag ni Kenneth sa akin para kumain na ay nagising na rin si Cleo. Nag-almusal lang ako saglit kasama silang dalawa. Si Kenneth na ang nagprisintang magpakain kay Cleo dahil kumakain pa ako. Pagkatapos ay kinuha ko si Cleo sa kanya para masuklayan ng buhok at mapaliguan na rin. Tiyak kasi hindi pa marunong si Kenneth kung paano magpaligo ng bata. Kinuha na rin ni Kenneth ang pagkakataon na 'yon para kumain at maghugas ng pinagkainan namin. "Cleo, aalis muna si Ninang ah? Papasok lang ako sa work ko para may pambili tayo ng toys, okay?" Pakikipag-usap ko kay Cleo habang binibihisan siya. "Sama ako, Ninang." "No, hindi pwede. Nandito naman si Ninong e, siya muna ang playmate mo, okay?" "Pero gusto ko ikaw.." nakasimangot na usal ng bata. Pinaharap ko na siya sa akin at hinawakan ito sa kanyang mukha. Ang ganda-ganda talaga ng batang 'to. "Next time, hmm? Magwowork lang saglit si Ninang, okay? Babawi ako pag hindi na ako busy." Nalungkot ako nong makita si Cleo na paiyak na dahil hindi ko siya mapagbigyan sa gusto niya. "Shh! Don't cry, baby." Niyakap ko ito at inalo para hindi lumala sa pag-iyak. Binuhat ko ito saka kinuha ang bag ko na nasa dulo ng kama. Lumabas na kami ng kwarto at itinungo siya sa playmat kung saan siya madalas maglaro. Ibinaba ko siya roon saka kinuha ang mga paborito niyang laruan para mabaling sa iba ang kanyang atensyon para makaalis na ako. "Don't cry, okay? Aalis lang si Ninang, bibili ako ng toys." "Toys?" "Yes, maraming toys. Hindi ba't 'yon ang gusto mo?" "Opo!" Masiglang tugon nito. "Behave ka dito, ha? Para pagbalik ko, may bago ka ng toys, okay?" "Opo, Ninang." "Good girl. " Hinalikan ko siya sa noo. "Oh, Kenneth, ikaw na ang bahala dito. Pakain mo siya sa tamang oras ah. 'Yong gatas niya huwag mong kalimutan, seven is to four dapat 'yon. Nga pala, 'yong mga sinampay ko huwag mong kalimutan ah. Plantsahin mo na rin bago mo tupihin. 'Yong vitamins din pala ni Cleo, every after meal 'yon ah. Huwag mo siyang kalimutan pakain ng meryenda pati 'yong mga pusa ko. Patulugin siya mamayang tanghali huwag puro laro. Paabang na rin 'yong kukuha nitong paninda ko. Tsaka, bago ko makalimutan, 'yong banyo pakilinis na rin pala ah." Paalala ko kay Kenneth. Tumayo na ako at kinuha 'yong tumbler ko na nasa lamesa. "Tsk! Ano ba naman 'yan, mas madami ka pang utos kesa kay Lord." Inis na usal niya. Napahinto ako at pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ah ganon? Pwes, madali lang naman akong kausap e. Kung ayaw mong gawin lahat ng utos ko, malawak ang pintuan ko. Hakutin mo na lahat ng gamit mo at umalis ka na dito sa pamamahay ko, okay? Ayan, goods na tayo?" Nag thumbs up pa ako ng bahagya. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Alam na alam mo talaga kahinaan ko e, 'no?" "Aba! Ito ang gusto mo, 'di ba? Gusto mo na tumira ka dito sa bahay ko tapos ngayon konting utos ko, nagrereklamo ka? Kung ganon lang din, umalis ka nalang para wala kang problema. Kung tutuusin, mas matutuwa pa nga 'ko e." Masamang tingin ang itinapon niya sa akin. Alam kong nakukuha ko na ang inis niya. "Fine, gagawin ko na lahat. Tsk!" "May choice ka naman na umalis na lang e, hindi ka pa mapag-uutusan. Matutulungan mo din naman ako kay Cleo kahit hindi ka tumira dito, Kenneth. So, think wisely baka magbago pa isip mo." Pang-uuto ko sa kanya para tuluyan na siyang umalis dito sa bahay ko. "No! I'll stay." Sagot niya. "Kahit utos pa 'yan ng kapitbahay, gagawin ko, basta magstay ako dito. You can't fool me, Alona. Not me." Nakangising usal niya. At boom! Bumalik sa akin ang patibong ko. Naigalaw ko ang panga ko dahil sa inis lalo na at alam kong ayaw niyang umalis ng bahay ko at desidido siyang tumira dito. "Goodluck sa'yo." Usal ko saka isinuklib ko sa balikat ko iyong bag ko saka nagtungo na pintuan. Pero bago pa man ako makarating doon ay nakuha niya ang atensyon ko. Naroon siya malapit sa may pintuan at nakita ko kung paano siya mag-inarte. "Anong problema mo?" Tanong ko. "Wala manlang ba akong goodbye kiss diyan?" Pilyong usal niya. "Goodbye kick, ayaw mo?" Asik ko kaya nawala ang ngiti sa labi niya. "Tabi!" Sinadya ko siyang banggain dala ng inis ko. Pinihit ko ang doorknob saka padabog na isinarado iyon sapat lamang na malaman niyang inis na inis ako sa kanya. Paano ba kita mapapaalis na kutong-lupa ka? - "'Yon na nga, Ma, kahit na anong gawin ko, ayaw niya talagang umalis. Kahit yata gulpihin ko 'yon maghapon, wala pa rin epekto sa kanya e." Break time ko at naisipan kong tawagan sina Mama na nasa probinsiya. Ilang araw na rin mula nong huli akong tumawag sa kanila. Alam nila ang tungkol sa sitwasyon namin ni Kenneth. Mas naiinis pa sila kaysa sa akin lalo na at alam nila kung ano ang nangyari sa amin ni Kenneth noon. "Anak, baka naman pinapaamo ka nyan para makuha ka ulit. Naku! Baka naman hindi ka pa nagtanda sa ginawa ng mokong na 'yan sayo noon ah." Tugon ni Mama. Nakikita ko sa screen ng selpon ko na naghihimay siya ng malunggay na isasahog niya sa kanilang ulam. "Ma, sa tingin niyo ba pagtutulakan ko siya paalis ng bahay ko kung hindi pa ako nadala sa ginawa niya noon? May Cleo man o wala, iiwas at iiwas ako sa lalaki na 'yon. Malaki ang atraso niya sa akin at hindi ako makakapayag na umulit siya. Subukan niya at talagang makakatikim siya sa akin." Hindi ako tanga para hindi maramdaman na bukod kay Cleo ay pinapaamo rin ako ni Kenneth. Sa paraan kung paano siya magpacute, magpapansin, at magpakagentleman minsan, alam kong may iba siyang dahilan bukod sa co-parenting niya sa akin. Kilalang-kilala ko siya, alam na alam ko ang mga galawan niya kaya hindi na ako makakapayag na saktan niya ulit. "So, anong plano mo ngayon? Ikaw na ang nagsabi, mahirap siyang palayasin diyan sa bahay mo." Pagbabalik ni Mama sa usapan. "Papahirapan ko siya, ano pa nga ba, Ma. Alam kong nagpapanggap lang 'yon ngayon kahit ang totoo, hirap na hirap na siya sa mga pinaggagagaw ako sa kanya. Well, deserve naman niya. Makulit siya e." "Dapat lang na mapalayas mo na 'yan hangga't maaga pa dahil kung nagtagal pa 'yan, naku, panigurado, madadala ka na naman sa mga matatamis niyang salita. Tapos ano, sasaktan ka at paiiyakin ulit. Naku!" Napailing-iling ako at binigyan ng assurance si Mama. "Hindi na, Ma. Hinding-hindi na. Halos ikamatay ko na ang ginawa niya noon sa akin, ayokong maulit pa." "Sana nga, Alona." Pagkatapos ng usapan namin ni Mama ay bumalik na ako sa trabaho ko. Ilang oras na lang ay uuwi na rin ako. Sa dala ng inis ko kay Kenneth, hindi ko na halos napansin ang oras. Hindi ko rin nakakaligtaan na itext si Kenneth upang paalalahanan siya sa pagkain ni Cleo at sa pag-inom nito ng vitamins. Nakakairita lang at sobrang tagal niyang magreply As usual, nagcommute ako pauwi. Nakipagsiksikan at nakipag-unahan ako sa mga estudyante pasakay ng jeep at sa tren. Uwing-uwi na ako dahil kay Cleo, hindi ako mapakali. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Kenneth pero iba ang epekto ng batang 'yon sa akin. May kung anong enerhiya ang nagkokonekta sa aming dalawa na hindi ko maipaliwanag. "Ninang!" Sinalubong kaagad ako ni Cleo pagbukas ko ng pintuan. Binuhat ko siya saka hinalikan sa pisngi nito. Bahagya ko pa siyang niyakap dahil namiss ko siya ng sobra kahit maghapon lang kami na hindi nagkita. "Namiss kita, baby, ano, kumusta si Ninong bilang----anak ng pusa. " Natigilan ako pagkakita sa postura ng buong bahay ko na animo'y dinaanan ng malakas na bagyo. "Kenneth, anong ginawa mo sa bahay ko?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD