Chapter 5

1445 Words
Alona's POV "Anong ginagawa mo dito? Tsaka, paano ka nakapasok?" Tanong ko na puno ng pagtataka sa mukha na tanging si Kenneth lamang ang makakapagbigay ng kasagutan sa akin. Ngiting aso ang iginawad ni Kenneth sa akin na gulat na gulat pagkakita sa kanya. "Binuksan ko yong pinto syempre." Piloposong sagot ni Kenneth kaya naman nakatanggap ito ng malakas na hampas sa braso mula sa akin. "Aray naman! Ba't nanghahampas ka dyan." Reklamo nito, hinimas-himas niya ang braso na bahagyang namula. "Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag mo 'kong dinadaan sa kanal humor mo." Singhal ko. "Eto naman highblood agad e, ang aga-aga. Kumain ka kaya muna. Sigurado ako pagod ka lang galing work. Tara, saktong-sakto nakapagluto na 'ko." Anyaya ni Kenneth sa akin, mayabang na itinuro ang kanyang mga nilutong pagkain na noon ay nakahain na sa may lamesa. "Maupo ka na dito.." Ipinaghila pa ako ni Kenneth ng upuan habang nakasuot ng sobrang tamis na ngiti sa labi nito. Hindi ko magawang matuwa dahil mas nanaig ang inis na nararamdaman ko. "Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Ano bang kailangan mo, ha?" "Ikaw.." bulong ni Kenneth pero narinig ko iyon. "Ano?" "Wala, sabi ko maupo ka na at kumain." Ipinaghain ako ni Kenneth ng makakain. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay kay Kenneth nang alalayan niya akong maupo. "Kenneth, kung ginagawa mo 'to para hingin 'yong kapatawaran ko, please, ihinto mo na." Seryosong tugon ko, hindi ko magawang galawin ang mga pagkain sa plato ko. Napasandal si Kenneth sa upuan, nakaharap ito sa akin na noon ay hindi na maipinta ang inis sa mukha ko. "I'm not doing this para lang sa past natin, I'm doing this dahil concern ako kay Cleo." Sagot ni Kenneth. "Sinungaling." Inirapan ko siya. "Psh! Ang feelingera mo naman kasi e. Porket naghahabol na ako sayo, feeling mo nakikipagbalikan na ako? Hindi ba pwedeng hinahabol kita dahil gusto ko na sa akin mapunta si Cleo?" Napabuntong-hininga ako ng malalim. Alam kong nagpapalusot lamang si Kenneth para isawalang bahala ko ang nakaraan namin. "C'mon, Kenneth, hindi na ako tulad ng dati na madali mong napapaikot sa mga kamay mo. Kagaya ng kulay ng budhi mo, alam kong may maitim kang balak ngayon." Agresibong depensa ko. Natawa si Kenneth sa mga sinabi ko. Bahagya niyang naigalaw ang kanyang panga saka nakangising tinitigan ako. "Sige, kung meron man, hindi ako magpapatalo. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo at ikaw ang magiging talunan." "Psh! Nauna ang panaginip mo kaysa sa tulog, Kenneth." Pilyong tugon ko. "Kilalang-kilala kita, Kenneth, kakaiba 'yang pagkakatubo ng sungay mo." "Kilala din kita, may nunal ka sa pwet." Nagpakawala ng halakhak si Kenneth na muntik na rin maiyak sa sariling sinabi nito. Samantala, matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya na noon ay halos maiyak na sa pagtawa. Sa inis ko ay mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at walang kahirap-hirap na hinawakan ang kwelyo ng damit ni Kenneth. Nasamid pa si Kenneth sa sobrang gulat at higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. "A-aray! Alona.." "Babawiin mo yon o hindi?" Pinagdilatan ko ito ng tingin para matakot. "Ba-bat ko babawiin e totoo namang may nu--- Aray!" Mas hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Kenneth dahil napipikon ako ng sobra. Hindi ko maitatanggi iyon dahil nakita na ni Kenneth ang pwet ko dahil may isang beses ng nangyari sa amin. Argh! "Alona! Pag ako namatay, mumultuhin kita." Sinusubukan ni Kenneth na alisin iyong kamay ko pero hindi sapat ang kanyang lakas. At sa ingay naming dalawa na halos marinig na pati ng mga kapitbahay ay may isang tinig na parehas na nakapagpatigil sa aming dalawa. "Waahhh!" Natigilan kaming dalawa, napatingin sila parehas sa kwartong kinaroroonan ng tinig na iyon. Nagkatitig kaming dalawa pagkatapos ay nag-unahan na makapasok sa kwarto na iyon para puntahan si Cleo na umiiyak. Muntik madulas si Kenneth sa pakikipag-unahan sa akin. Sana natuluyan. Joke. "Cleo?" Tugon ko nang tuluyan ng makapasok sa kwarto na kinaroroonan nito. Nilapitan ko ang bata saka pinatahan mula sa pagkakaiyak. "Shh! Tahan na. Nandito na si Ninang." Dahil si Kenneth ang huling ng nakapasok sa kwarto, nakatunganga siyang pinapanood kami ni Cleo na naroon sa kama. Nakita niya kung paano ko siya ngisian at belatan. Matapos naming mapatahan si Cleo ay iginaya na namin ito sa kusina upang mapakain na. Nag-unahan pa kami ni Kenneth kung sino ang kakandong kay Cleo pero sa huli, nanalo ulit ako. Napakamot na lamang si Kenneth sa kanyang ulo dahil sa inis. Walang nagawa si Kenneth kundi ang pagsilbihan ang bata ng makakain nito. Ipinuwesto niya paharap ang upuan sa gawi namin ni Cleo hawak-hawak ang isang plato. Si Kenneth na ang nag-antubiling humawak non para mapakain si Cleo. "Ano, masarap ba ang luto ni Ninong?" pagtatanong ni Kenneth sa bata. Tumango si Cleo, nagpapahiwatig non na nasarapangan nga siya sa niluto ni Kenneth. Sa aming dalawa, si Kenneth talaga ang mas marunong kung usapan sa pagluluto. "Ninang, subuan mo naman si Ninong." Suhestiyon ni Cleo na ikinagulat namin parehas. Nagkatitigan kaming dalawa. Palihim na napangiti si Kenneth sa gustong mangyari ni Cleo samantalang kinikimkim ko naman ang inis. "Cleo, hindi siya gutom." Palusot ko at inirapan siya. Sinandukan ko ulit ng makakain si Cleo gamit ang kutsara na hawak dahil gusto kong takasan ang ipinapagawa ng bata sa akin. Baka kapag pumayag ako na subuan si Kenneth ay sa sobrang pagkainis ay maisaksak ko sa lalamunan niya ang isusubo kong kutsara. "Ahhh...." Nakaabang ang bunganga ni Kenneth upang subuan ko. Nagdilim ang paningin ko sa pag-iinarte na yon ni Kenneth. Wala akong nagawa kundi ang subuan na lamang ito. "Hmm.. ang sarap." Usal ni Kenneth matapos ko siyang subuan na noon ay pinasadahan ko ng iritableng tingin. "OA." iritableng tugon ko habang nakatingin ng nakataas kilay kay Kenneth. "Oh, bakit? Totoong masarap naman talaga e." Depensa niya. Pinunasan ni Kenneth ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad pagkatapos ay tinitigan niya ako na hindi maipinta ang inis sa mukha ko. "Psh! Bida-bida! Paanong masarap e wala naman akong nilagay na ulam don. Puro kanin lang 'yon." Alyansa ko, inipit ko ang nakaharang na buhok sa mukha ko sa likod ng aking teinga. "Hindi naman pagkain ang tinutukoy kong masarap e." Nangising sagot ni Kenneth. Napakunot-noo na tinitigan siya. "E ano?" Natawa pa ng bahagya si Kenneth bago ito tuluyang sinagot ang tanong ko. "Ang sarap kumain na lalo na kung sobrang ganda ng nagpapakain sa'yo." Nagpakawala pa siya ng kindat. Imbes na kiligin ako ay inis ang namuo sa dibdib ko. Gusto kong kurutin si Kenneth sa braso pero hindi ko magawa dahil narito si Cleo. Napamura nalang ako sa loob-loob ko dahil sa pangbabadtrip ni Kenneth sa akin ng umaga na 'yon. "Che! Ulamin mo 'yang pagiging maharot mo." Pasimple ko itong sinikmurahan si Kenneth saka kinuha si Cleo upang paliguan na. Matapos namin mapakain ang bata, ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Kalaro naman ni Cleo si Kenneth sa may sala na kapansin-pansin ang pagiging masigla nito. Nagmistulang playground ang kabuuan ng sala dahil don naghahabulan ang dalawa. Nagkalat din roon ang ilang mga laruan ni Cleo. Samantala, atat na atat ako na umalis si Kenneth dahil gusto ko ng kapayapaan. Kapag nararamdaman ko ang presensya niya ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko sanhi ng inis at galit. Hindi ko kayang magtagal sa isang lugar na naroon si Kenneth. "Hello? Yap, uuwi na 'ko. Okay, see you, love." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan na iyon ni Kenneth at ng kausap nito sa telepono. Napalingon pa ako saglit sa gawi niya at nang magtama na ang aming tingin ay mabilis akong umiwas ng tingin. "Aalis na 'ko." "Sige." Hindi na ko nag-aksaya ng oras para ihatid palabas si Kenneth. Hinayaan ko na lumabas na lang siya ng mag-isa. Panigurado kasing magkakasagutan na naman kami kaya mas pinili kong manahimik na lamang at magpatay malisya sa narinig ko. Nahirapan pang makaalis ni Kenneth dahil hindi siya pinapayagan ni Cleo. Natagalan pa siya lalo doon dahil umiyak ang bata. Wala itong nagawa kundi ang patahanin at mamalagi doon ng ilang pang oras. Mas lalo tuloy akong nabuwisit dahil napapansin ko na mas gusto ni Cleo si Kenneth. "Siguro naman hindi ka bulag. Mas gusto ako ng bata oh?" nakaduro si Kenneth sa batang nakatulog sa kanyang bisig. Inirapan ko siya na noon ay nakakrus ang mga braso ko sa inis. "Asan?" nagkunwari pa akong naghanap sa paligid. "Eto oh." Itinuro niya ulit si Cleo. "Asan ang pake ko." singhal ko pagkatapos ay nilayasan ko na si Kenneth at kinuha nalang ang selpon ko saka naupo sa pang-isahang sofa na nasa tapat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD