“Sarah! Kaloka 'tong anak mo ha!” sigaw ni Rayah mula sa kwarto habang pinapatahan si Tyler. “Sabi ko naman kasi sayo, ako ng bahala dyan.” pumasok na ko sa kwarto pagkatapos kong maghugas ng plato. Kinuha ko mula sa kanya si Tyler. Pulang pula na ang mukha ng anak ko. “Bakit ba kasi siya umiyak?” tanong ko kay Rayah. “Nagvideo call sila nung hinayupak niyang tatay, umiyak siya nung nagpaalam na yung hinayupak niyang tatay.” napabuntong hininga na lang ako. “Wag kang magsalita ng mga ganyang words, natututo na ring magmura si Tyler dahil sayo eh.” pananaway ko sa kanya. “Mama, gusto ko pa usap kay Papa.” nakasimangot na sabi ng anak ko. Napakamot ako sa kilay ko. “Tyler Joseph, busy si Papa mo lagi. Kailangan niyang magtrabaho para mmadami kang laruan.” sabi ko saka hinaplos

