“A-Ano...” huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ang sama ng tingin niya sakin ngayon, kung nakakamatay lang ang tingin malamang pinaglalamayan na ko. “I'm asking you Sarahlyn.” seryosong sabi nito. Pinilit kong gawing blangko ang ekspresyon ko. “Teka nga, bakit ba kailangan mo pang malaman eh hindi naman ikaw ang tatay nito? Wag kana lang makialam.” sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napakuyom ang kamao niya kasabay ng pag igting ng panga niya. Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim. “Fvck everything!” naiiritang sabi niya saka sinipa ang isang upuan dahilan para tumalsik ito, buti na lang walang tinamaan. Padabog na lumabas siya ng VIP room. Tila nakahinga ako ng maluwag, pero nandon pa rin yung kaba. Baka pagdudahan niya ko, baka magtanong pa siya

