“MOMMY, IS LOLA EXPECTING US?” tanong ni Mango. “Yes, anak.” Maingat na inaayos ni Gabby ang buhok ng anak, dahan-dahang tinirintas ang mahahabang hibla. She placed ribbons as she braided her hair. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Mango sa isang pigil na ngiti habang pinapanood ang ginagawa ng mommy niya sa salamin. “Are we staying with lola?” Tanong ulit nito. “No, baby, we will just visit.” Sandali niya itong sinulyapan sa salamin. “Mommy, are we going to see Simba?” patuloy ang makulit na pagtatanong ni Mango, she even started kicking her feet in the air, palatandaang excited ito. Paulit-ulit nitong pinanood ang Lion King sa tablet mula pa nang dumating sila sa hotel kahapon. “We will ask Daddy, okay? He may need to be back for work.” “But daddy said we can.” Hard-hea

