“Miss G,” agaw ni Judith sa atensyon ni Gabby. Bumabyahe na sila papunta sa susunod na mall para sa isa pang schedule. Nilingon niya si Judith at tinanggap ang tablet na iniabot nito. “The list of questions for the interview later,” paliwanag nito. Gabby sighed inwardly. Isa na naman sa mga bagay na hindi napag-usapan, bigla na lang ibinagsak sa huling minuto. Binasa niya ang mga tanong—standard naman: ano ang nag-inspire sa kanya to write the book, kelan at paano siya nagsimulang magsulat. Wala namang masyadong nakakabahala. Pinilit niyang ngumiti kay Judith at nagpatuloy sa pagbasa. “We have informed them that we will not take any personal questions,” patuloy na paliwanag nito. Gabby nodded. A personal request she has made for all her interviews. Ayaw niyang matanong about her per

