CHAPTER 33 Kinabukasan nang magising ako na naroon sa sariling kwarto. Saglit akong tumitig sa kawalan habang inaalala pa ang mga nangyari kagabi. Para akong nanaginip na ngayon lang nagkamalay. Papaanong nandito na ako sa kwarto? Dinungaw ko ang katawan sa ilalim ng comforter. Hindi ako nakahubad, bagkus ay nakasuot ako ng ternong pajama. Hindi nga kaya ay panaginip lang ang lahat? Dala lang marahil ito ng matinding nararamdaman ko, kasabay ng mga problema ko sa buhay ay akala kong totoong may nangyari sa amin ni Daddy Seb. Ang hirap paniwalaan. Napatingin pa ako sa lubid na naroon pa rin nakasabit sa kisame. Hindi ako nakainom ng alak, nasa tamang huwisyo rin ako buong gabi kaya sariwa ang lahat nang nangyari sa memorya ko. Hindi lang iyon basta panaginip, o isang bangungot— totoo la

