EPILOGUE "Alice!!" Pagkatapos ng sigaw ko na iyon ay ang malakas na pagsabog. Lumarawan sa paningin ko ang pira-pirasong parte ng kotseng sinasakyan namin mula sa ere, tila pa saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo. Halos mabingi ako. Maging ang sarili kong mga sigaw at paghinga ay hindi ko na magawa pang marinig. Tumulo ang luha ko, kasabay nang marahas kong pagbangon sa kinahihigaan kong kama. Para akong nilulunod na ngayon lang naisalba. Damang-dama ko ang mabilis na pagririgodon ng puso ko. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa mabigat kong paghinga. Dinaig ko pa ang nakipagkarera sa mga kabayo. Sunud-sunod ang pagsinghap ko sa hangin. Ramdam ko rin ang mga butil ng pawis na siyang pumupuno sa aking noo at leeg. Panaginip... masamang panaginip. Kung sana ay panaginip nga lang talaga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


