Chapter 28

1093 Words

CHAPTER 28 Ewan ko kung paanong nangyari na biglang nandilim ang paningin ko. Hindi lang sa lahat ng nangyayari, sa mga problema ko at sa mga taong nambubuyo sa akin, pati na rin sa biglaang presensya ni Alice sa harapan ko. Kamuntikan ko na siyang masampal, mabuti na lang ay naagapan niya iyon at ipinagpasalamat ko iyon. Kaagad nitong nahawakan ang kamay ko para pigilan. Kasunod naman nang pagpatak ng isang butil ng luha sa aking pisngi. Sa dami ng emosyon sa dibdib ko ay halos sumuko ako. Gusto ko pang lumuhod sa harapan ni Alice, humingi ng tawad at para sabihin na rin ang lahat sa kaniya. Hindi ko na kaya pang itago ang lahat. Hindi ko na kaya pang maging kalaban ang sariling konsensya. Araw man o gabi ay palagi akong inuusig ng konsensya ko. Ni hindi ko mawari kung may halaga pa b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD