Ang mga sumunod na raw ay pahirapan pa nang kaunti. Kinakailangan kong masanay na mayroong tumutulong o gumagawa ng gawaing bahay bukod sa akin. Pero sadyang hindi ko maiwasan lalo na at hindi ko naman ito bahay. Kahit sabihin na komportable na kami ni Lonzo sa presensya ng mga tao at ni Youseff, para pa rin kaming bisita sa sariling bahay namin. Namin Sobrang banyaga niya sa pandinig ko pero sinasanay ko na lang ang sarili ko. "Ayos na ba yung gamit mo, anak? Aalis na tayo." Sinilip ko si Lonzo sa kwarto niya at sinusuot na niya yung bag pack niya ng makita ako. "Opo, mama!" Excited na sagot niya sa akin. Ngayon pa lang siya papasok sa eskwelahan muli. Halos dalawang linggo rin siyang hindi pumasok kaya kailangan naming habulin yung mga namiss niya. Maaga rin kaming aalis ngayon dah

