Chapter 1

1531 Words
Inalis ni Trenton ang helmet matapos i-park ang motor sa gilid ng daan. Halos mabali ang leeg ng mga estudyante lalo na ang mga babae noong mapatingin sa kaniya, na kinindatan niya lamang noong dumaan sa gilid ng kaniyang motorsiklo. The group of girls gasped slightly. Pare-parehong pinamulahan ang mga ito habang yakap ang mga libro at laglag ang panga. Halos mabali pa ang leeg ng mga iyon nang lagpasan siya na ikinangisi lamang ni Trenton. The other students couldn’t take their eyes off the hot man. Halos itim na itim ba naman ang suot at dating nito, mula sa leather jacket na pinailaliman ng puting t-shirt, itim na riding pants, itim na gloves sa mga kamay nito, and that sturdy black leather boots marking his steps territorial. Ang natural na itim nitong buhok ay bahagyang magulo ngunit bumagay nang husto sa gwapo nitong mukha. Students craned their necks for a glimpse. Good looks are subjective, but in Trenton’s case, no sane person would deny he was handsome. Magmula sa itim at saktong makakapal na mga kilay na bumagay sa malalim nitong mga mata na tila nanghahalukay ng kaluluwa kung tumingin. Matangos na ilong, mapupula at tila malambot na mga labi. Prominent jaw that complimented his look. A thin silver chain necklace hung arrogantly around his neck. He stood tall at around 6'1". Kahit ang mga lalaking estudyante ay panay ang sulyap sa kaniyang superbike na itim na itim din. Sinuot niya ang shades at bumaba. Pagtapos ay prenteng sumandal sa motorsiklo at binalikan ng tingin ang tarangkahan ng unibersidad na pinapasukan ng kaniyang pamangkin sa pinsan. And by that, he meant Dominic, ang kaisa-isang anak ng pinsan niyang si Xavier. They weren’t very close, ngunit nang minsan nagkausap ay nalaman niyang nag-aaral ang anak nito sa isang pribadong unibersidad at kumukuha ng kurso sa Business Administration. Trenton didn’t know much about these relatives, especially since he grew up in the U.S. after his family migrated. Nakakapunta siya ng Pilipinas ngunit malimit lamang lalo pa nang naging abala agad pagtapos ng kolehiyo at pumasok sa FBI Academy sa Quantico, Virginia where he took his intensive training and worked in the field as an agent. Three years into it, he was immediately selected for HRT, ang elite tactical team ng Federal Bureau of Investigation. He was one of the handpicked agents. Being in the Hostage Rescue Team taught him a lot, and perhaps, changed his life for good. It was extremely intensive and required high-intensity physical and mental conditioning. Kahit ang mga training para sa pagiging FBI agent ay walang sinabi sa training ng HRT. It’s elite, high-risk, operating through life and death situations. Only the best agents are selected. At sa halos apat na taon sa HRT, Trenton has learned more in his life than most do in fifty years. He didn’t know whether to consider himself lucky or extremely unlucky. Pinasadahan ni Trenton ng tingin ang tarangkahan matapos sindihan ang sigarilyo. Lumabas ang grupo ng kalalakihan at agad siyang nakita ng pamangkin na pitong taong mas bata kaysa sa kaniya. He’s twenty-nine, 6'1", and intimidating until he smiles. Kung hindi pa siya nabigyan ng maganda at nakakaakit na ngiti, he doubts anyone will approach him. “Tito?” takang-taka na tanong ni Dominic nang nakita ang tiyuhing kung itatabi sa kanilang magkakaibigan ay mapagkakamalan lamang na kasama sa barkadahan nila. “No other than,” ani Trenton. Dominic’s male classmates greeted him, too. Mangha ang mga ito sa motorsiklo niya at sa dating niyang tila mina-magnet ang bawat mata ng mga babaeng estudyante roon. Sino ang a-absent bukas? Definitely not the girls. “What are you doing here, Tito Trent?” gulat pa ring tanong ni Dominic na tila nagha-hang ang utak sa pinsan ng kaniyang ama. Xavier is forty-three. Sadyang napakalayo ng agwat nito kay Trenton Montellano at kung tutuusin ay silang dalawa pa ang magkadikit. Hindi rin sila close kaya hindi niya alam kung bakit sumulpot si Trenton sa kanilang eskwelahan. Sure, he heard from his father, na nagbalik si Trenton dito sa Pilipinas mula North Virginia. He’s not dying and asking them to take care of him, is he? “Ang gwapo naman ng tiyuhin mo, Dominic! Nababading ako!” manghang sabi ng isa nang nakipag-fist bump kay Trenton. Trenton smirked, namigay ng pera sa mga kasama ni Dominic. Anak ng mayayaman ang mga ‘yon pero parang ngayon lang nakakita ng pera. Napailing naman si Dominic nang muling hinarap ang tiyuhin na prente lamang na sumandal sa motorsiklo nito. “The truth, Tito Trent?” tanong ni Dominic matapos tanggihan ang sigarilyong nakuha pang ialok ni Trenton. He’s definitely a bad influence to the youth. Ngumiwi si Trenton, ni ayaw magpatawag na tito dahil para bang nagiging kaedad niya si Xavier na malapit nang maging senior citizen. “I’m visiting your school, Dom. Kumusta ka?” They weren’t very close kaya lalong nagtataka si Dominic. His Tito Trenton grew up in America and is also a U.S citizen. Bihira lang umuwi rito sa Pilipinas at masiyadong abala, kaya ngayon ay kaduda-duda na nandito ito sa kanilang university. “I’m alright. Kataka-taka ang pagpunta mo rito,” sabi ni Dominic sa tiyuhin na sandaling nilingon ang tarangkahan ng eskwelahan. “Walang kataka-taka, pamangkin. Balita ko ay na-stress ang papa mo sa iyo noong napatawag ka sa dean. Give them my name next time, at ako ang haharap,” sabi nito na tila alok ng isang magiting na tiyuhin. Bumuntonghininga si Dominic. Of course, Trenton had to know some things before he went here. Kasama na roon ang tanungin ang pinsang si Xavier tungkol sa may pagkabasagulero nitong anak na si Dominic. Xavier is busy with the family business. Nabyudo ito isang taon lamang ang nakakalipas kaya ito na lang at ang anak na si Dominic ang magkasama. Kahit papaano ay nabawasan ang problema nito nang bumisita si Trenton at sinabing kakausapin si Dominic, who somehow became rebellious after the passing of his mother. Naniniwala rin kasi itong maaagapan sana ang ina kung hindi lang masiyadong tutok sa pagtatrabaho ang ama, dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang relasyon. Trenton didn’t care much about the family drama, pero naiintindihan niya ang pamangkin. At isa pa, umaayon ang lahat sa kaniya ngayon para sa bago niyang misyon. Habang nagsalita si Dominic ay lumipad ang tingin ni Trenton sa grupo ng tatlong babaeng dumaan. Kalalabas lang ng mga ‘yon mula sa gate ng eskwelahan, pare-parehong bitbit ang kaniya-kaniyang bag. Napukol ang tingin niya sa nasa gitna. She was the taller one among the three. Maputi at balingkinitan. Sa kutis pa lang ay batid niyang anak-mayaman iyon. Her hair is long and wavy. Nakaparte sa magkabilang balikat habang nakalugay, nangingintab pa sa kalambutan habang nasinagan ng panghapong araw. She wasn’t looking at his direction. Bagkus ay diretso ang tingin nito sa daan at ang mukha ay tila hindi pa nasilayan ng araw. Hindi lang mukhang masungit. Mukhang maldita, suplada, at mataray. Every term that was relating to that. Isang grayish-black denim jeans at itim na fitted long-sleeve black blouse ang suot nito. Kahugis nito ang bewang ng babae at halos tatlong butones lang ang nakasarado na halos ikaangat ng kilay ni Trenton. Napatingin sa gawi niya ang dalawang babaeng kasama nito sa magkabilang gilid at parehong namula ang mukha. Nang bahagyang siniko ang nasa gitna at tila may sinabi, saka lang iyon napaangat ng tingin sa kaniyang gawi. For a second, their eyes met. He should have looked away, but it lasted a few more seconds. Para siyang napipilan. Damn, those slow motions don’t happen in real life, do they? He wanted even a slight reaction from her, pero parang tuyong dahon lang siya sa gilid nang daanan nito ng mga mata. Nagpatuloy siya sa pagsasalita at binalingan ulit ang pamangkin at mga kaibigan nito. Tinapik niya ito sa balikat. “Dapat ay pagbutihin mo ang pag-aaral mo, Dominic. Nang sa gayon ay hindi ma-stress ang magulang mo sa ‘yo,” saad niya sakto nang dumaan ang mga ito sa gilid lamang nila. He made sure the girls heard it. Tumango naman si Dominic. Pagkaalis na pagkaalis nina Dominic ay binalikan niya ng tingin ang babae. Hindi niya inalis ang atensyon dito. He slid on his shades once again. Mula sa side mirror ay pasimple niyang sinulyapan ang babaeng sumakay sa isang mamahaling sasakyan. He adjusted the left side mirror so he could see a better view of her. Nakita niya ang sundo nitong mamahaling sasakyan pagtapos humiwalay sa dalawang kaibigan. Tang ina! Mukha siyang stalker at cradle snatcher. Except that Agatha Ruth Figueroa is twenty-two, graduating sa kurso rin nito sa Business and Administration majoring in International Business. Maganda ang anak ni Frederick Figueroa, isang governor sa CALABARZON at kilalang malinis magtrabaho sa publiko. Balita niya nga lang ay mailap daw sa lalaki ang anak ni Frederick at reyna ng kasupladahan. Ngumisi siyang muli dahil alam niya, siya na ang gamot doon. Tiyak niya iyon. “Got you, baby. Ako ang bahala sa attitude na ‘yan. We’ll fix that,” he whispered with a smirk before starting the engine of his motorcycle. Agad niya iyong pinaandar paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD