“WHAT’S THE LATEST, MONTELLANO?”
Iyon ang seryosong tanong ni Blade Contreras nang makarating si Trenton sa opisina nito. Nandito siya sa headquarters para mag-report, and to do some calculations with their plans.
Nakaupo si Blade sa swivel chair nito. Being the leader of an elite unit group, life surely isn’t easy for him. They have clear legal mandates, because the elite unit group is working under the authorization of the government.
The government do not command them, instead, they collaborate with the elite group. Kaya ang misyon na ito na may kinalaman sa isang korap na politiko ay hindi lang isang simpleng misyon ng Phoenix, just like their other jobs of rescuing hostages, damage control, support in counterterrorism and more that ordinary units can’t handle.
This is a conflict within the system that runs the country, and it needs to be approached in a more systematic way. Kundi, maaari itong matunugan mismo ng mga taong involved at tuluyang masira ang plano.
It will be harder to expose them. At lalong lalala ang mga ilegal nitong operasyon at makakaapekto sa mas marami pang sangay na pag-uugatan din ng marami pang mga problema na ikakahirap ng lahat, lalong-lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunang ito na naaagrabyado dahil sa mga nasa itaas na hindi kailanman lumaban nang patas.
Phoenix agents do follow rules, ngunit minsan ay sadyang may pagkamatigas ang ulo ng mga ito lalo na’t may kaniya-kaniyang skills ang bawat isa. They often have their own standard for their own specialized jobs.
Phoenix Division has strict-selection for the very same reason. Only those who pass the requirements and standard can be selected.
Isa na roon si Trenton Montellano. The face of the group. He’s the strategist. Ibinigay niya kay Trenton ang misyon na ito dahil may tiwala siyang magagawa nito ang kailangan. He’ll succeed a hundred percent and Blade is sure of it.
Trenton didn’t spent years in the FBI for nothing. Not to mention his years in Hostage Rescue Team kung saan ‘di hamak na doble o triple ng FBI training ang pinagdaraanan. It requires a strong mental capability.
Something that he posseses more than just being charming. He’s manipulative, persuasive, and he could perfectly create a new persona that can match their target. Iyon ang kalakasan ni Trenton na hindi kailanman binigo ang sarili nitong mga misyon.
“I have… news,” ani Trenton nang maupo sa upuang nasa harapan ni Blade.
Trenton spent his entire night to find out about the new scheme of Frederick Figueroa’s life.
“What is this?” tanong ni Blade nang makitang mga litrato iyon. Ni hindi niya alam kung paano nakuha iyon ni Trenton. Mas mabilis pa ito kaysa sa mga inaatasan niyang bantayan ang galaw ni Frederick Figueroa.
“You didn’t tell me. May bagong kinakasama si Frederick,” saad ni Trenton na bahagyang dismayado dahil sa kakulangan ng impormasyon iyon.
Umangat ang kilay ni Blade. Nagpatuloy si Trenton matapos seryosong sumandal sa kinauupuan.
“This could hinder my plans with Agatha Ruth. I’ll be needing the background information of these two. Kailangan kong makasigurado na hindi niyan mabubulyaso ang plano.”
Hindi alam ni Blade ang tumatakbo sa isip ni Trenton, but whatever it is, he’s giving his hundred percent trust.
“I’ll ask them for it immediately. Just focus on Frederick’s daughter. Ano na ba ang takbo niyon?”
Ngumisi nang kaunti si Trenton. “Kailangan ko pa nang kaunting panahon, Blade. The woman isn’t easy to please. Pero malapit ko nang mapasok ang kampo ng Figueroa. I know my plans and calculations will work.”
Seryosong tumango si Blade. “You know Figueroa is a dangerous man, Montellano. Mag-iingat ka dahil matalas din ang pakiramdam ng isang iyon.”
Trenton hasn’t met the governor yet. Pero sa bawat paglabas nito sa publiko ay tila ba lagi itong santo. He has a long standing win in his own field, bilang ang pamilya nito ay hindi naman bago sa mundo ng politika.
“He will be having another operation in Tarlac. Like the usual, they will disguise the money as legal,” ani Blade.
Trenton didn’t need further explanation. Naiintindihan niya kung paano ipapalusot ni Frederick Figueroa ang pera na ibubulsa nito. Isasailalim iyon sa pangalan ng ibang tao at ipapadaan sa mga legal front—whatever that he can use to make it look clean.
Malinis iyon sa papel, the money will travel out of CALABARZON. Through different projects and different names, and it will be hard to trace it back to him.
Kung ililista ni Frederick ang sarili bilang isang partner o ‘di kaya’y investor, mahahalo ang pangalan nito sa ibang naroon. Pero dahil sa isang nabulyaso nitong maliit na transaksyon noon sa labas din ng rehiyon, when a logistic bypassed a protocol, nagkaroon ng hinala ang Phoenix.
Sadya itong mag-operate sa labas ng nasasakupan ng governor. In that case, the deals will get lower suspicion. His rivals are focused on his province and he’ll be using proxies.
Doon nila ito na-trace dahil sa transaction history na hindi pala iyon ang unang beses.
It remains a mission within the elite group, and in time, it will reach the National Bureau of Investigation or the NBI.
They still need more information. To get inside the Figueroa’s camp dahil suspetya rin nilang may mas mataas pa sa gobyerno ang kaalyado ni Frederick Figueroa, which for sure is protected in case this anomaly explodes publicly.
“Kailangan nating mag-ingat. And I will get information about these two,” ani Blade nang muling tiningnan ang larawan doon nina Rosalina Vera at Jasmine Vera.
There wasn’t much information about the two. Bukod sa ayaw maging kumpyansa ni Trenton ay gusto niyang walang gusot ang mga gagawing hakbang. So if they are hinder to this, he’d better know it early.
Bilib si Blade sa grit ni Trenton. It could be his ego, or whatever personal reason that drives him fiercer in each mission he tries to accomplish.
NAGPAPAHANGIN si Trenton sa lilim ng puno kung nasaan ang kaniyang motor. Sumandal siya roon habang marahang pinagmasdan ang larawang matagal nang nasa wallet niya.
Ilang taon na ang nakakalipas pero tila buhay na buhay pa rin sa alaala niya. It still feels like it happened yesterday. Sariwa pa rin ang mga sugat sa kaniyang memorya.
And each time he closes his eyes, he remembers it. Walang gabi sa kaniyang buhay kahit lumipas pa ang mga taon na hindi naaalala ang ngiti nito, ang lungkot sa mga mata habang namamaalam. And he damn couldn’t do anything.
Kung sana lang… kung sana lang.
He breathed heavily. Tumiim ang kaniyang panga habang muling sinara ang wallet. If he could just bury the scars of yesterday, he would have done it a long time ago. Because now, he still can’t forget…
Kung may magagawa lang din siya tungkol sa bagay na iyon ay matagal niya na ring ginawa.
It’s still the reason he feels lost, and he tries to find the fulfillment in every job he takes, every mission he owns… lahat ng digmaang pinupuntahan at nilalabanan niya, just to regain his power that felt like he lost on that very day of tragedy…
RAMDAM ni Agatha ang matinding galit sa kaniyang buong sistema. Hindi siya makapaniwala sa bawat salitang binitawan ng ama.
Halos gusto niyang pagbabasagin ang mga kagamitan sa kaniyang kwarto. She felt defeated. She felt helpless.
Pinagkaisahan siya at tila wala siyang magawa. Each word retreated. At tila kay gaspang ng kaniyang lalamunan dahil sa pagpipigil sa kaniyang nararamdaman. Hindi niya maatim ang desisyon ng kaniyang ama.
It hurt.
Hindi niya matanggap na tuluyan na nitong pinaniwalaan sina Rosalina at Jasmine. Didn’t even give her a chance to explain and defend herself.
Tuluyan na lamang siyang napaiyak matapos hawiin ang vase sa ibabaw ng mesa. It flew across the room. Tahimik na tumulo ang kaniyang luha at napaupo na lamang sa dulo ng kaniyang kama.
It isn’t just about Jasmine playing tricks on her. It’s about her father. Anong nangyari dito at tila nalason na ito ng mga taong iyon?
Mali ba talaga siya? Mali bang nasaktan siya sa pagdating nina Rosalina at Jasmine sa buhay nilang mag-ama? The woman was his dad’s mistress! At harap-harapan nitong nilalantad ang tunay nitong mga ugali sa kaniyang harapan.
Hindi siya plastik. She can never act like everything that’s happening is alright. She won’t tolerate it.
Mugto ang kaniyang mga mata nang magising. Ni walang maid ang umakyat upang daluhan siya. Tulad ng pinal na husga ng ama, wala nang may pakialam sa kaniya. No one will care about her now.
Sumabay siya sa agahan, in hopes that her father will wake up and clear his mind. Na baka naman ay hindi nito totohanin ang mga sinabi. Or perhaps will say sorry… kung sakali ay ihihingi niya na rin ng kapatawaran ang mga maling nagawa.
She knows she has been cold these past months. Tila binalot ng nagyeyelong lamig ang kaniyang puso. And maybe it’s true, she was so hurt at naging coping at defense mechanism niya ang idaan sa pagiging maldita ang mga bagay.
Ngunit halos nahulog na lamang ang panga ni Agatha nang biglang umalis ang kaniyang daddy sa hapag bago pa niya tuluyang masabi ang nais sabihin na buong gabing pinag-isipan. She chooses to lower her pride.
“Dad, about w-what happened last night, I’m—”
“I’m done here,” puno ng lamig at galit nitong sinabi, kay aga nitong binalewala ang kaniyang presensya at agad nang iniwan ang hapag.
And Agatha feels more than just embarrassed.
“I’m also done,” sabi ni Rosalina at pinunasan na ang bibig nito.
“Ako rin, Mommy,” may bakas ng ngiti sa mga labi na saad ni Jasmine.
Pagtapos ay tumayo na rin ang mga ito. Binalingan ni Rosalina ang mga maid.
“Kung ganoon ay ano pang hinihintay ninyo? Iligpit n’yo na ang hapag. Nakakain na ang lahat ng dapat kumain,” taas-kilay nitong sinabi.
“P-Pero, Ma’am Rosalina—”
“Kukuwestiyunin n’yo pa rin ba ang pamamalakad ko? I will be running this villa in no time, kaya kung ako sa inyo ay matuto na kayong sumunod sa mga batas at pinag-uutos ko. Kundi, you better prepare to resign and leave this villa.”
Napayuko na lamang ang mga maid sa litanya ni Rosalina. Agatha wanted to roll her eyes for a while, pero napangunahan na siya ng hapdi sa kaniyang puso. Tila nais pang manginig ng kaniyang mga kamay sa panghihina dahil sa iniyak sa dumaang gabi.
“Ano pang hinihintay n’yo?” muling saad ni Rosalina kaya unti-unti na ring kumilos ang mga maid.
Huminga na lamang nang malalim si Agatha. Tinapunan na lamang siya ng tingin ni Rosalina hanggang makatayo na ito at nilisan ang hapag.
Lalong napangisi si Jasmine. Inirapan pa muna siya nito bago nagmamartsang sumunod sa ina. Naiwan naman si Agatha roon habang nahihiya na lang ang mga maid na kunin ang ibang pagkain.
“P-Pasensya na, Ma’am Agatha—”
“It’s alright. Sa labas na lang ako kakain. I’m leaving early,” saad niya na lamang na pinigil ang pagkabasag ng boses dahil sa tila paggaspang ng kaniyang lalamunan na tila may mga tinik dahil na rin sa pagkapahiya.
Tumayo na siya at bumalik na rin sa kwarto. It felt excruciatingly painful…
Mukhang wala nang kaamor-amor sa kaniya ang daddy niya. No matter how hard she tries to be the Agatha Ruth she once was. Hindi na rin mababago ang pagtingin nito kina Rosalina at Jasmine.
At kahit pa sabihin niyang hindi niya naman alam ang tungkol sa marriage arrangement dinner meeting na sinasabi nito. Hindi siya nito paniniwalaan dahil tuluyan nang nawasak ni Jasmine ang imahe niya.
She painted her the b*tch of this house. At kahit alam niyang sinabotahe siya ni Jasmine ay wala na rin naman iyong halaga lalo pa’t napag-usapan na rin nila ng daddy niya na ayaw niyang magpakasal sa napili nito para sa kaniya. Doon pa lang ay alam niya nang masama ang loob nito. Iyon marahil ang iniisip nito sa hindi niya pagdalo.
Hindi niya rin naman gugustuhing pumunta roon. So, she still doesn’t regret the decision. Ngunit hindi iyon nangangahulugang hindi masakit ang desisyon ng sarili niyang ama.
Because now… she just feels numb.