Chapter 7

2049 Words
Kumakalam man ang sikmura ay tila hindi na iyon ramdam ni Agatha. Hindi na siya muli pang bumaba at sumalo sa hapag dahil baka lalo lamang mapigtas ang kaniyang pasensya kapag nakita pa ang pagmumukha nina Rosalina at Jasmine. Ang kapal din ng mukha ng babaeng iyon, nakuha pa talagang magsumbong sa daddy niya sa walang katuturang bagay! At paniwalang-paniwala naman ang kaniyang ama. Pumait ang ngiti ni Agatha habang nakasandal sa headboard ng kama at hinaplos ang larawan ng kaniyang mommy. She always kept her picture with her. Sa tuwing nami-miss niya ito ay hindi niya maiwasan ang makadama ng labis na kalungkutan at maluha habang pinagmamasdan ang larawan nito. “This is unfair, Mommy…” she whispered. Parang buhay na buhay sa kaniyang alaala ang mommy niya. Parang kahapon lamang ay nakangiti pa ito sa kaniya nang personal. Yesterday the sun’s warmth is there, ngunit ngayon ay naglaho na ang lahat ng iyon. And Agatha Ruth feels nothing but emptiness… “It’s so cold out here, Mom… I don’t know what to do anymore,” sambit niya at ngayon ay tanging larawan na lang ng ina ang makakausap at mayayakap. Her passing was sudden. Mahinhin at tahimik ang ina. Malimit niya itong makitang malungkot, o siguro ay dahil itinatago lang talaga ni Beatrice ang mga pasanin at dinadala nito nang sa gayon ay hindi na mag-alala pa si Agatha. Muli niyang hinaplos ang magandang ngiti ng kaniyang mommy. She missed seeing her mother here, dahil ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na mayroon nang pumalit sa pwesto nito. Tumingala siya upang pigilan ang kaniyang luha. Kung siya lang ang masusunod ay lalayas na rin talaga siya sa villa, pero ayaw niyang tuluyang maglaho ang mga pinaghirapan ng kaniyang Mommy Beatrice at pakinabangan ng ibang tao, more so when they don’t deserve even a piece of it. Isa pa, hindi niya rin maiwasang umasa na baka isang araw ay magising din ang kaniyang ama at matauhan. Na isang araw ay pipiliin ulit siya nito at makikilala bilang anak, hindi isang pabigat at sakit sa ulo nito. She’s hurt, alright. Hindi siya isang bato upang walang maramdaman ngayong ibinahay nito ang kabit na dinedepensahan pa nitong naging karelasyon sa maayos na paraan. Nang akala ni Agatha ay tuluyan na siyang makakatulog sa pag-iyak, malakas na nag-ring ang kaniyang cellphone dahilan para unti-unting humupa ang kaniyang hikbi. Pinulot niya iyon nang pakiwari niya’y marahas din ang pag-ilaw nito. Nang makita niya ang isang panibagong numero na tumatawag ay alam niya na agad kung sino ang caller. Tila humilatsa ang inis sa kaniyang dugo habang naghahalo ang kaniyang luha at iritasyon. Anong oras na pero bakit tumatawag pa ang kumag na ito?! Panira talaga ng moment ang scammer na iyon. Wala na talagang nagawang maganda! Hindi sinagot ni Agatha Ruth ang tawag nito. He’s been doing that for days now, simula noong nangyari ang insidente at talagang sinisingil siya nito kaya nga napilitan na siyang pumunta roon sa talyer nito. Ang sabi ni Mr. Scammer, may pag-aari naman itong talyer at para masigurado ang pagkakagawa sa motor ay doon na gagawin. Babayaran niya na lang ang mga gagastusin. Kung hindi ba naman isa’t kalahating scammer ang lalaki na iyon. Namatay ang tawag pero sumunod naman ang text nito. Naiiritang pinunasan ni Agatha ang kaniyang luha habang nakaupo pa sa kama. Unregistered Number: Bayaran mo na ako, Miss Greenminded. Kundi ipo-post na kita. Ngayong gabi mismo. Nalukot ang pagmumukha ni Agatha. Gabi na pero hindi pa rin pala pagod ang talipandas na ito. She kept deleting and blocking his number, but boy, he always found a way to contact her! Gusto niya na lang magpalit ng number pero masiyado na iyong hassle, at ayaw niya namang simpleng scammer lang ang maging rason kaya siya magbabago ng number! Agatha Ruth: Didn’t I block you already? Kailan mo ba ako titigilan, huh?!! Ang bilis ng reply nito. Tuluyang humupa ang nanlalabong mga mata ni Agatha sa luha habang walang kaalam-alam ang lalaking ‘yon sa kaniyang mga problema sa buhay, pero walang habas nitong dinadagdagan! Agad niyang pinalitan ang pangalan nito sa contacts. Para malaman niya kung ito talaga ang nag-text dahil kapag tumawag ay hinding-hindi niya sasagutin! Scammer Don’t Reply: Sabi ko naman sa ‘yo, hindi ba? Bibili ako ng maraming sim at hindi kita titigilan hangga’t hindi mo ako binabayaran. Humanda ka lang sa ‘kin. Napairap siya dahil ang dami nitong oras mag-type ng ganoon kahaba at may naka-smirk pa na emoji. Wala nga talagang trabaho kundi ang talyer nito at pang-i-scam! That’s for sure. Agatha Ruth: I will block you! Scammer Don’t Reply: Sige, i-block mo. Nakahanda na ang isang daang sim ko na registered kaya hinding-hindi mo ako matatakasan, Miss Greenminded. Agatha Ruth: I will seriously block you! Don’t ever text me again. Scammer Don’t Reply: Mahalaga sa akin ang motor ko, Miss. Pamana pa ‘yon ng lolo ko at ginagamit ko ‘yon sa marangal na pamumuhay. Kaya bayaran mo na ako kundi ipo-post kita. Marangal na pamumuhay?! Agatha Ruth: Like what? What’s your job? Huh? Scammer Don’t Reply: Bakit interesado ka? May smiley emoji iyon kaya parang umiinit na naman ang ulo ni Agatha. Nagiging magagalitin na nga talaga siya. Nasosobrahan na rin kasi sa apog ang mga tao ngayon. Agatha Ruth: Halata namang nagsisinungaling ka, you picaroon! Of course, paawa effect ‘yan para bayaran ko talaga ang gusto mong price, but sorry to burst your bubbles, Mr. Scammer, hindi ako uto-uto! Pinunasan ni Agatha ang luha at hinintay ang reply ng lalaking iyon sa pamatay niyang linya. Natagalan pa ito sandali sa pagre-reply kaya parang kumukulo naman ang dugo niya dahil hindi ito nag-reply agad. Feeling important pa yata. Agatha Ruth: What now? Why are you not replying?! Scammer Don’t Reply: Sorry, late reply. Sinearch ko pa kung anong ibig sabihin ng picaroon. Umirap nang husto ang mga mata ni Agatha Ruth. This guy has to be on to something. Scammer Don’t Reply: Alam mo, Miss? Sorry din pero wala akong bubbles na puputukin mo, kaya kung ako sa ‘yo magbayad ka na bago kita parusahan. Magbayad ka na. Ngayon naman ay may shades emoji iyon. Halos mahulog ang panga ni Agatha Ruth sa mga reply nito na hindi niya maintindihan kung nananadya ba o sadyang wala talaga itong pakialam. He only cared about getting paid! Agatha Ruth: You know what? I can’t believe you! Scammer ka nga talaga. Hindi ako magbabayad ng ganoon kalaki. Ngayon kung pipilitin mo talaga ako, then fine… I’ll pay you 10,000 pesos. Scammer Don’t Reply: Nakng! Anong kakuriputan naman? Hindi maalam si Agatha sa mga ganoong piyesa ng motor pero tutal ay ngayon na ito mismo nagpapabayad at hindi makapaghintay, then fine she’ll pay that amount! Agatha Ruth: Fine! 12,000. Kung higit pa riyan, I’ll just let our car insurance take care of this. Scammer Don’t Reply: Higher, Miss Greenminded. Anong akala mo sa motor ko, pinulot ko lang ang mga piyesa sa tabi-tabi? Kapal ng mukha na taasan! Agatha Ruth: Fine! 13,000 pesos. Take it or leave it. Scammer Don’t Reply: Ganito na lang, Miss Greenminded. Pumili ka. Hinintay niya ang kasunod nito kahit alam niyang wala rin namang saysay. Ewan ba ni Agatha Ruth kung bakit imbes na matulog na o ipagpatuloy ang kaniyang pag-iiyak ay nagre-reply siya sa walang kakwenta-kwentang texts nito. Agatha Ruth: Iyon na ang pinipili ko. Like what I’ve said, take it or leave it! Scammer Don’t Reply: Pumili ka kung alin dito sa mga picture mo ang ipo-post ko. Kasunod niyon ay nag-send ito ng tatlong selfies niya na halos ikalaglag ng panga ni Agatha. Kinuha nito iyon sa mismong Inst*gram account niya! Iyong isa roon ay isa pa sa mga medyo luma nang post. Namula ang kaniyang mukha nang nakita ang mga pinili nitong picture. Ang iba roon ay selfie pa. Nananadya yata si Mr. Scammer nang sinabi niyang kahit selfie niya pa ang i-post nito. Agatha Ruth: What the hell? Are you stalking me?! Agatha Ruth: Hindi ka lang pala scammer. Stalker ka rin! I should call the police now. Scammer Don’t Reply: Huwag mong ibahin ang usapin, Miss Greenminded. Inaayos ko na ang caption. I-check mo na lang kung okay na ‘to. Magpapaalam pa talaga sa caption. Nanggagago lang yata ‘to! Scammer Don’t Reply: Nakakahalata na ako sa ‘yo, ah? Gusto mong pahabain ‘tong usapan natin. Kung may gusto ka sa ‘kin, pasensya ka na pero hindi kita pwedeng sagutin hangga’t hindi nababalik sa dating itsura ang motor ko. Scammer Don’t Reply: Kapag ayos na iyon, saka natin ituloy ‘tong love story natin. Agatha shrieked with his replies. Ang kapal talaga ng mukha. Hindi na nahiyang singilin siya ng pera, hindi pa nahiyang sabihin na nai-in love siya rito. Ang yabang din? Agatha Ruth: Excuse me, ‘di kita type! Kapal ng mukha mong mag-assume. Akala mo naman gwapo! Napatigil si Agatha sa pagtitipa nang maalala ang mukha nito. Dumagdag pa ang makisig nitong pangangatawan na medyo nagpa-conscious sa kaniya. Tumikhim siya at medyo kinabahan sa sariling reaksyon habang naalala ang gwapo nitong mukha. Agatha Ruth: Final na ang 10,000 pesos. Kung ayaw mo, bahala ka na sa buhay mo! I don’t have time for this. Scammer Don’t Reply: Nakngtokwa! Scammer Don’t Reply: Oh, sige na nga, ayos na ‘yan. Pumapayag na ako. Halos umikot ulit ang mga mata ni Agatha. Kapal talaga. Agatha Ruth: Send me your bank details. Scammer Don’t Reply: Wala ako niyan. Hindi ba pwedeng bayaran mo na lang ako sa personal? Agatha sighed. Saan ba galing ‘tong lalaki na ito? Agatha Ruth: Ako pa talaga ang pupunta sa ‘yo? Just how thick-faced are you?! Scammer Don’t Reply: Kung ganoon, sige ako na. Sabihin mo na lang kung saan tayo magkikita. Napatitig na lang si Agatha Ruth sa mensahe nito, hindi alam kung mapapahinga ba siya nang maluwag dahil ito na ang pupunta at siya naman ang magse-set ng lugar. Agatha Ruth: Fine. Siguraduhin mo lang na pupunta ka. Dahil kung wala ka roon ay hindi na kita babayaran pa. Stop wasting my time, Mr. Scammer, alright? Scammer Don’t Reply: Siguraduhin mo lang din na darating ka kundi lagot ka sa ‘kin. Ipo-post kita. May smirk emoji ulit ‘yon at tila ba nakikita ni Agatha ang pagmumukha ng lalaki na nakangisi at nang-uuyam sa kaniya. She erased it from her mind. Sumandal siya nang maayos sa headboard. Agatha Ruth: Don’t do anything stupid. You’re just gonna get yourself into trouble. At mapapahiya ka lang! Tss! Bakit naman siya concerned sa scammer na ‘yon? Well, maraming followers si Jasmine na sunod-sunuran dito. Pinagkakaisahan siya ng mga iyon at ginagambala maging ang mga nali-link sa kaniya. They keep posting hate comments that kept comparing Jasmine to her, na mas deserve daw ni Jasmine ang lifestyle niya at lahat ng meron siya. Scammer Don’t Reply: Bakit naman ako mapapahiya kung ganito kaganda ang girlfriend na aangkinin ko? Kasunod niyon ay ang isa ulit sa kaniyang mga picture. Sa lahat ng picture na sinend nito ay iyon lamang ang nakangiti siya. She’s wearing a yellow dress and is smiling with her teeth. And maybe the reason for that smile is the things that are now gone… Agatha Ruth: Stop sending my pictures, will you? Scammer Don’t Reply: Kaya kung ayaw mong i-post ko ‘to at sabihing girlfriend kita, bayaran mo ako. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Greenminded? Ano namang kalugihan kung sabihin nitong girlfriend siya nito? Is that even a threat? Umirap si Agatha. He could be handsome and hunk, but he’s a nobody. Iyon marahil ang rason kaya iniisip nitong mapapahiya si Agatha kapag pinost nito na boyfriend niya ito. Nasaan na ang kayabangan at confidence ng scammer na iyon? Agatha Ruth: Fine! Stop bothering me now! I hate seeing your texts. Scammer Don’t Reply: Good night, Miss Greenminded :) She sighed sharply, tumalim ang tingin sa smiley emoticon nito. Pinatay na niya ang cellphone niya at hindi na nag-reply. Sumandal siya sa headboard at humalukipkip habang nakikita ang mapang-uyam na ngisi nito sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung bakit unti-unting lumuwag ang kaniyang paghinga at nakalimutan panandalian ang kaniyang pag-iyak na madalas niyang kinakatulugan… What’s with that silly boy, anyway?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD