“Mama ko po! Late na ako!” bulong ni Joyce habang naglalakad nang mabilis. Medyo napasarap kasi ang kaniyang tulog kaya nagising siya ng late na sa palagi niyang gising. Ito ngayon, nagmamadali na siya dahil ilang minuto na lang at mali-late na siya sa kaniyang unang klase ngayong umaga. Kahit nagmamadali, naramdaman niya pa rin ang kakaibang simoy ng hangin. Hindi sa mabaho kundi kakaiba ang mga pinapakita ng kaniyang nakakasalubong. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin dahil mas importante ang klase niya. Nakahinga lang si Joyce nang maluwag noong nakaupo na rin siya sa tabi ni Pia. Wala pa ang guro at may oras pa siya para maghabol ng hininga. “Good morning!” masiglang bati ni Pia. “G-good morning!” habol sa paghinga niyang tugon sa kaibigan. “First time ‘to, ah! May na

