‘Knock! Knock!’ Napalingon si Joyce sa pinto nang marinig niyang may kumatok. Nagtaka siya kung sino ito dahil ang aga-aga pa para may kumatok. Nagluluto siya ngayon para sa agahan nila. Maaga kasi silang maglalaba at maglilinis ng bahay. Bago gumawa, mas mainam na kumain muna bago nagtrabaho. Mahirap gumawa ng gawaing bahay na walang laman ang tiyan, nakakawala ng gana. “Sino iyan?” tanong ni Amelia na kagigising lang. “It’s me,” mahinang sabi ng tao sa kabilang pinto. Hindi masyado narinig ni Joyce kaya hindi niya nakilala. Hinayaan niya na ang kaibigang humarap sa kung sino mang bisita nila. Nagpatuloy na lang siya sa pagluto at baka maging uling pa ito kapag iniwan niya. Hindi niya naisip na baka bisita niya ito dahil wala naman siyang kakilala talaga sa eskwelahan maliban sa

