Kabanata 16

2117 Words
“Ano? Saan na naman kayo pupunta?” kunot noong tanong ni Tristan sa akin. Nakapamaywang pa siya sa likod ni Manang. Kay Manang ako nagpapaalam pero siya itong sumasagot. Nagpaalam lang ako dahil inaaya ako ni Patrick sa mismong birthday ko na magpunta kami sa mall. He said he would treat me to lunch and buy me a gift. Manonood din daw kami ng sine. I am too shy and excited to say no. Tumanggi na ako sa birthday celebration na gusto nilang gawin. Masyado na silang maraming nagagastos sa akin kahit pa sabihin na nagpapadala si Mommy at Daddy kay Manang. “Mall, we will just hang out,” simpleng sagot ko. “Hang out, hang out,” rinig kong bulong niya. “Pumapayag ako, basta ay huwag kang gagabihin. Tawagan mo agad ako kapag may kailangan ka.” Lumawak ang ngiti ko. I got my first phone during my graduation. Regalo sa akin ni Manang, naghati raw sila ni Tristan na mabili iyon. Simpleng touch screen na android lang iyon pero nagustuhan ko agad. I am now able to call and message my friends using it. “Ma!” iritang singhal ni Tristan. “Silang dalawa lang ang magpupunta ng mall, paano kung–” “Kumalma ka, mall ang pupuntahan nila at hindi hotel, Tristan. Huwag mong itulad sa ‘yo si Charlotte.” I stuck out my tongue at him. Halos umusok ang ilong niya dahil doon. Bumalik na lang ako sa kwarto dahil mukhang napikon na si Tristan na pinayagan ako ni Manang. Seriously, why is he mad? Nasa legal age na ako bukas, I can do whatever I want. Kahit nga uminom ng alak ay pwede na ako. I bet he tried alcohol in his teenage days. Sinundo ako ni Patrick dito sa bahay dahil iyon ang napag-usapan namin kagabi. Panay ang sundot ni Danica sa tagiliran ko. Simula kasi ng magpunta siya rito noong graduation ko ay inaasar na niya ako sa kaniya. Ilang beses niya rin sinabi na date ito. “Anong oras ang uwi?” biglang tanong ni Tristan kay Patrick. Humawak ako sa braso ni Patrick. Bumaba roon ang tingin ni Tristan. “Are you giving me curfew now?” inis na tanong ko sa kaniya. “Curfew? Wow, tignan mo ‘to, Ma. Nag-eighteen lang gusto na yata libutin ang Luzon.” Bahagyang natawa si Patrick kaya sinamaan ko siya ng tingin. How is that funny? “Bago mag-six ng gabi nandito na siya sa bahay, Kuya.” Hindi nagbago ang mukha ni Tristan, masungit pa rin. Inirapan ko siya nang magtama ang tingin namin. One thing I earned from living with him, ay dapat hindi ako magpatalo sa kaniya. I still respect him because he is older than me, other than that, I give him the same attitude. Nagpunta kami sa mall. Patrick is a gentleman. Lagi niyang tinatanong kung okay lang ba ako o kung may gusto ako. Kapag nakita niya na hindi ako komportable sa isang bagay ay hindi na niya ako pipilitin. “Bili muna tayo ng popcorn at drinks.” Ako ang naunang nagbayad ng food namin dahil siya ang bumili ng cinema ticket. Nang nasa loob na kami ay hindi ko na naman maiwasan mamangha. This is also my first time being in a large cinema. May sariling cinema room ang mansion kaya hindi ko na kinailangan na magpunta rito, hindi ko inaakala na ganito pala kalaki. “First time?” he asked me. Tumango ako. “Yeah, ang laki pala.” He chuckled. Iniabot niya sa akin ang popcorn nang makaupo kami sa seats namin. I was so excited when the movie started. Unang minuto ng palabas ay interesado na agad ako. Iyong bidang babae ay hindi naniniwala sa love. She despises it because of her father. Every daughter’s first love is indeed their father. My first love is my father. Kaya naman sobra akong nasaktan noong ipinagtulakan niya ako palayo. Sa kalagitnaan ng movie ay naramdam ko na nagkabunggo ang kamay namin ni Patrick sa pagkuha ng popcorn. “Sorry,” he said. Hinayaan ko lang iyon at kumuha na agad para makakuha siya. The movie is becoming more interesting as the minutes pass by. Nabuntis na ngayon ‘yong babae dahil may nangyari sila noong lalaki. Namumula ang pisngi ko dahil pinakita ang bed scene nila. It was so hot! Napainom ako ng juice. Naramdaman ko ulit ang kamay ni Patrick na humawak sa kamay kong namamahinga sa armrest. Napatingin ako sa kaniya, nakatingin na talaga siya sa akin. “I like you, Charlotte.” Mariin akong napalunok at ilang beses na kumurap-kurap. Sinabi niya ba iyon o nanggagaling iyon sa palabas? Pero narinig ko ang pangalan ko. Does he like me? Kung ganoon, ito ang unang beses na may umamin sa akin. Bumilis ang tíbok ng puso ko sa excitement. Someone likes me! “I like you too, Patrick. Masaya ka kasama, at sobrang bait mo rin.” Kahit madilim ay nakita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi. “Woah, hindi ko inaakala na gusto mo rin ako. Akala ko kaibigan lang ang turing mo sa akin.” Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Gusto ko siya, gusto ko rin si Elana, gusto ko rin si Javier at Danica. Gusto ko rin si Tristan at Manang. “Kung gusto natin ang isa’t isa, hindi na natin kailangan patagalin pa, hindi ba?” Marahan akong tumango kahit na naguguluhan pa rin sa sinasabi niya. Anong hindi na namin kailangan patagalin? “Kung ganoon, girlfriend na kita at boyfriend mo na ako. Huwag kang mag-alalala, kahit tayong dalawa na ay liligawan pa rin kita.” Sunod kong naramdam ang paghalik niya sa kamay ko na hawak niya. Sa pagkabigla ay marahas ko iyong nahila mula sa kaniya. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. “Sorry… boyfriend na kita?” hindi ko makapaniwalang tanong. Paanong nangyari na boyfriend ko na siya? Ganoon ba kapag inaamin ng dalawang tao na gusto nila ang isa’t isa? Matamis siyang ngumiti. “Alam ko sobrang bilis pero gusto natin ang isa’t isa. Pareho na tayong nasa tamang edad na dalawa kaya alam ko makakaya natin ‘to. We can explore and experience everything as a couple.” Nag-birthday at nag-cine lang ako pero may boyfriend na ako? Ganito ba talaga? But being in a relationship sounds not too bad. Si Tristan nga ilang beses ng nakaroon ng girlfriend, sobrang saya siguro na may karelasyon. “Okay,” nakangiti kong sabi kay Patrick. Halos wala na akong naintindihan sa palabas dahil hindi ako mapakali. Nilalaro ni Patrick ang kamay ko. Sobrang excited ako na ma-experience lahat ng ginagawa ng mga couple. Kailan kaya kami magki-kiss? Does he know how to kiss? I never had my first kiss, papaturo na lang ako sa kaniya? Ay, nakakahiya naman kung marunong na siya tapos ako hindi. Kumain kami sa isang restaurant at libre niya. Nagpunta rin kami sa supermarket dahil bibilhin niya raw ako ng regalo. He got me a lipstick and a blush on. Bagay ko raw kasi na may matingkad na kulay sa labi at namumula ng pisngi. Ang problema ko lang ay hindi ko alam ang pinagkaiba ng kilig at excitement. Right now I don’t know if I am excited or happy to be in a relationship. Inihatid na rin niya ako sa bahay alas kwatro pa lang. Hindi na muna ako pumasok, nag-stay kami sa tapat. “Salamat pala, nag-enjoy ako.” I tiptoed and kissed him on the cheek. Sa pisngi na muna dahil hindi pa ako marunong sa lips, eh. Nakatulalang napahawak siya sa pingi na hinalikan ko. Para siyang nakakita ng multo pero imbis na mamutla ay namumula siya. Wait, may technique rin ba sa paghalik sa pisngi? I thought a peck on the cheeks was okay. “H-Happy birthday ulit… babe.” “Babe?” takang tanong ko. “Oo, babe na ngayon ang tawagan natin.” Babe? What does it mean? “Okay, babe!” maligaya kong sabi. Akma siyang hahalik sa pisngi ko nang may lumipad na tsinelas sa pagitan namin. Napaatras kaming pareho mula sa isa’t isa dahil muntik na kami matamaan. “Pasok!” Tristan shouted angrily. “Mag-iingat ka sa pag-uwi, babe.” Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng nagbabagang tingin ni Tristan. Nilibot ko ang tingin ko. Wala si Danica at Manang, nasa palengke na naman siguro. “Why did you do that? Muntik na kami matamaan!” He snorted. “Muntik matamaan? Pasalamat kayo at hindi talaga kayo natamaan. Sa harap pa talaga kayo ng bahay naglandian? Akala ko ba kaibigan mo ‘yon? Kung hindi lang lumipag ang tsinelas ko ay hinalikan ka na ng gunggong na ‘yon.” “Don’t call him gunggong. Boyfriend ko na siya, okay?” Natigilan siya. See?! Akala niya siguro ay hindi ko kaya na gayahin siya. If he can have a girlfriend, I can too! “Oh, ano? Kaya okay lang kung maglan–” His laugh bursted out. “Umalis ka ng bahay na single pagbalik mo boyfriend mo na ‘yon? Tumuntong ka lang ng legal age ay pagbo-boyfriend na agad ang inatupag mo? Ni wala ka pa ngang National ID!” I gritted my teeth. Ano ba ang pinaglalaban niya? “You don’t care. Kahit mag-boyfriend ako ng maraming-marami, you don’t care!” pikon na sabi ko sa kaniya. Mabigat ang mga hakbang ko na naglakad papasok sa kwarto. Wow! Binabawi ko na lahat ng magagandang sinabi ko sa kaniya. He is getting on my nerves! “Bakit bigla mong naging boyfriend ‘yon? May alam ka ba sa pakikipagrelasyon?” Sumunod pala siya. “He is my first boyfriend, of course I don’t have any experience yet. Huwag kang mag-alala. Lahat ng pwede kong ma-experience kay Patrick, gagawin ko.” Nabura ang mapang-asar niyang ngiti sa sinabi ko. His jaw tightens while his lips turn into a line. Ako naman ngayon ang ngumiti dahil siya na ngayon ang pikon. “Kung ano ang ginagawa niyo ng girlfriend mo, gagawin din namin. Hindi lang ikaw ang dapat masaya, dapat ako rin!” Humakbang siya palapit sa akin. My smile faced. He looks like a wild animal ready to attack me. “Break up with him,” utos niya sa malalim at nakakatakot na boses. Napalunok ako sa takot sa kaniya ngunit nilabanan ko iyon. He cannot just tell me what to do. “A-Ayaw ko. I will experience everything with him. What’s wrong with that?” “Ano bang experience ang tinutukoy mo? Why do you need to experience it with him?” gigil pa rin ang tono ng boses niya. “K-Kissing, talking a lot more together, keeping each other’s company, cuddling… and a lot more! Like a lovely time. Of course I will do it with him because he is my boyfriend, alangan naman sa ‘yo?” Ilang segundo pa na masama ang tingin niya sa akin bago siya kumalma. “Yeah, whatever. Mag-enjoy kayong dalawa.” Iyon ang huling sinabi niya bago ako iwan sa kwarto. Para akong nabingi, sobrang lakas ng tíbok ng puso. Madalas ay hindi ko talaga siya mabasa. Pati pakikipagrelasyon ko ay makikialam siya? Dapat yata tawagin ko na siyang kuya, sobrang strict niya sa akin. Sabay naming inayos ni Patrick ang application namin sa papasukan na university. Sa kasamaang palad ay maganda ang university kung saan nag-aaral si Tristan kaya iyon ang first choice naming lahat. “Anong kursong kukunin mo, hija?” tanong ni Manang habang kumakain kami. “Legal management po,” sagot ko. Matagal ko ng gusto ito. “Balak mo pumasok sa law school?” si Tristan naman ang nagtanong. Baka pati sa kursong kukunin ko ay makialam siya. “Yeah, just like my parents.” Natahimik ang hapag-kainan. Nagtataka kong tinignan si Manang dahil para may mabigat itong iniisip. Her eyes look concerned. Bumuka at nagsara ang bibig niya na parang may sasabihin pero hindi natuloy-tuloy. “Bawal may boyfriend sa law school.” Ito na naman siya. “Hindi mo maipagsasabay ang law at boyfriend lalo na kung ‘yong sinasabi mong kaibigan mo ‘yan.” “OA ka, Tito. Naaaral na ngayon ang multitasking,” si Danica. Sumama ang tingin sa kaniya ni Tristan. “Ikaw, sixteen ka pa lang, malaman ko lang na may boyfriend ka–wala ka ng bahay na uuwian.” Sumimangot si Danica. “Ah, Manang, pwede ko po ba na makuha ang number ng magulang ko? Hindi ko po sila sumasagot sa social media, pati mga kamag-anak ko.” Manang looks uncomfortable. “S-Sige, ibibigay ko mamaya.” I wonder what’s wrong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD