Kabanata 9

2447 Words
“Ayaw mo talaga sumama?” tanong ni Allen. Kanina niya pa ako inaaya na sumabay sa kanila na mag-lunch kaya lang ay kasabay ko si Danica. Nakangiting umiling ako sa kaniya. “May kasabay na kasi ako. Sa susunod na lang?” Napansin ko ang bahagya niyang pagsimangot. “Ilang beses ka na ba na tumanggi? Lagi na lang sa susunod? Kung gusto mo ay isama mo na lang din ‘yang kasabay mo para makasama ka sa amin. Ilang linggo ka na rito pero lagi kang tumatanggi. Siguro ay ayaw mo lang talaga akong kasama.” “Oh, no. That’s not true. May kasabay lang talaga ako. Nakakahiya naman kung iiwan ko siya na kumain na mag-isa, nakakahiya rin na sumabay sa inyo habang may kasama ako. Saka, kailangan ko na muna siya tanungin kung gusto niya rin ba na sumama.” Bumuntong-hininga siya. “Kung anong gusto mo, hindi kita pipilitin.” Pinanood ko siya na lumabas ng room. Sa labas ay naghihintay doon sina Althea kasama ang ibang kaibigan niya na dalawang babae at isang lalaki. Parepareho silang may kakaiba na tingin sa akin. Tinapos ko na lang ang pagliligpit sa gamit ko bago lumabas. “Masama ang kutob ko sa grupo nila. Bakit sa dami ng pwede mong kaibiganin ay si Allen pa?” usisa ni Danica habang kumakain kami. “Anong mali kung si Allen? Danica, mabait naman si Allen, hindi ko makita sa kaniya na kaya niyang manakit. Oo, kung nagawa niya noon, pwede naman siyang magbago hindi ba?” Umiling-iling siya sa akin. “Tsk, Tsk, hindi ka dapat ganiyan kabait, Miss. Siguro dahil bago ka lang sa ibang tao pero hindi lahat ng pinapakita sa ‘yo ay totoo. Pwedeng mabait sila ngayon dahil may kailangan sila.” May kailangan sila sa akin? Ano naman iyon? Marami silang magkakaibigan kaya kung may kailanganin man sila at paniguradong hindi ako kasama sa hihingian nila ng tulong. “Basta, Miss, huwag kang masyadong mabait sa ibang tao. Hindi mo pa alam ang galaw ng mundo, maraming mapang-abuso.” Tahimik ako na bumalik sa room. Laman ng isipan ko ang sinabi ni Danica tungkol sa grupo ni Allen. Ang tanging nangingibabaw sa lahat ay si Althea. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaamin na kinuha niya ang essay ko. Ayaw ko na rin naman pilitin dahil ayaw ko ng gulo. “Uy, Charlotte, may group ka na para work immersion natin?” tanong ng isa kong kaklase. Siya ang president namin–Faye, maliit na babae pero strict. Oo nga pala, may gagawin kaming project sa work immersion. Tatanungin ko nga sana si Allen kanina kaya lang ay nakalimutan ko. Mukhang kompleto naman na sila dahil hindi niya ako tinanong. “Wala pa, pwede ba na sumali sa inyo?” Tumango siya. “Oo naman, paiwan ka mamaya, ah. Mag-meeting na tayo para maaga rin namin maipasa ang sa atin.” “Sure!” Nang umalis siya ay saka naman lumapit sa akin si Allen. Nakakunot na agad ang noo niya sa akin. Napatingin ako kina Althea na naupo na sa kanilang upuan. “Ano ‘yon? Sumali ka sa kanila?” kunot noong tanong niya sa akin. “Ah, oo, wala pa kasi akong ka-group.” Umupo ako sa upuan ko. Akala ko uupo siya pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Kinailangan ko tuloy siyang tilangain para makita ang mukha niya. Why does he look mad or something? Naiinis pa rin ba siya sa hindi ko pagsama sa kaniya kaninang lunch? “Tama ako? Iniiwasan mo ako?” Ako naman ngayon ang nagtaka sa kaniya. “What do you mean? Kung iniiwasan kita sana ay hindi kita kinakausap–” “Hindi mo ako kakausapin kung hindi ako lalapit. Kanina tinanggihan mo alok ko na sumama ka sa amin na mag-lunch, ngayon naman ay sumama ka sa ibang group imbis na sa amin? May problema ka ba sa akin, Charlotte?” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya namilog ang mata ko. Tumingin ako sa paligid, mabuti na lang ay may kaniya-kaniya silang ginagawa. Ang tanging mata lang na nahuli kong nakatingin sa amin ay ang mata ni Althea. She was seriously gazing in our direction. “Allen? What are you saying?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Nagtatampo ako, Charlotte. Pwede mo naman sabihin kung ayaw mo sa akin, ako naman ang lalayo.” I panicked when he got up with his bag and placed it on the other seat. Lalapit sana ako sa kaniya pero dumating na ang teacher kaya hinayaan ko na muna. Kakausapin ko siya pagtapos ng class. “We will have an election for our senior high representative for the upcoming intramurals. Kung may suggestion kayo, sabihin niyo na.” I could not concentrate throughout the class. Panay ang lingon ko kay Allen na nasa harap lang ang tingin. He got the wrong idea. Inakala ko lang naman kasi na kumpleto na sila kaya sumama na ako sa grupo ni Faye. “Si Althea Miranda na lang ba? Wala ng ibang suggestion?” Bumuntong-hininga ako at inalis na lang ang tingin sa kaniya. He was the first person who talk to me, and now that he is avoiding me, it makes me sad. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na umiiwas ako sa kaniya pero hindi ako umiiwas. “Ma’am, si Charlotte Vicencio po!” malakas na sigaw ng kung sino. Nagulat ako nang marinig ang pangalan. Hinanap ko ang sumigaw ng pangalan ko pero hindi ko mahanap. Nagtama ang tingin namin ni Althea, inirapan niya ako. “Okay, si Althea at Charlotte lang ba? If yes, then silang dalawa ang isasali natin sa elimination round. May mga teachers na mag-a-administer sa kanila at pipili kung sino ang magiging representative ng senior high. I will add you to the official group chat, doon niyo na lang tignan ang schedules.” I bit my lower lip. Ang bilis ng pangyayari. Sa totoo lang ay ayaw kong sumali dahil wala akong lakas ng loob pero may maliit na parte sa akin na gustong subukan na sumali sa contest. Sa libro at internet ko lang napapanood ang mga ganitong contest, paano kaya sa totoong buhay? Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko na tumayo si Allen. Nagmamadali na lumapit ako sa kaniya. “Allen, wait, mag-usap tayo.” Narinig ko ang pagsusumaamo sa sarili kong boses. Hindi niya ako binigyan ng pansin. Aalis na naman siya pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso para pigilan, inalis ko rin agad dahil na-realize ko na hindi tama iyon. “Can I explain myself?” He sighed. “Sa likod ng school, pumunta ka mamaya.” Iyon lang ang sinabi niya bago ko iwan. Nanlulumo akong bumalik sa upuan ko para ayusin ang mga gamit. “Tara na, Charlotte, start na natin meeting para maaga tayo matapos.” We had our group meeting. Kahit na gusto kong bawiin ang pagsali ko sa group na ito ay hindi ko na magawa dahil ayaw kong sila naman ang mainis sa akin. Ipapaliwanag ko na lang ang totoo mamaya kay Allen. Nang matapos ang meeting namin ay tumayo na agad ako. Madilim na paglabas ko. Hindi ko namalayan dahil marami rin kaming pinag-usapan. Sandali ko ngang nakalimutan na kailangan kong kitain si Allen sa likod ng school. Tahimik kong tinahak ang daan sa likod ng school. Wala na akong student na nakikita, paniguradong mga nakauwi na. Ang tanging may ilaw na lang ay ang corridor at mga faculty na nadadaanan ko dahil may iilan pang faculty member sa loob. Naroon pa kaya siya? Sana naman ay hindi siya natagalan sa akin. I badly want to talk to him. Hindi ako mapakali na may nagtatampo sa akin. Pagdating ko roon ay wala akong naabutan. Maraming puno ay may hukay sa lupa dahil doon inilalagay ang mga basura, isa iyon sa project na pina-practice ng school. May mga nakalagay na warning signs at signage sa paligid. I walk around. Wala na ba talaga siya? Napalingon ako nang may marinig na ingay–tunog na tuhong dahon na tinapakan. Ngunit walang tao. Siguro ay sa panggabing hangin lamang kaya tumunog ang dahon. Bukas ko na lang siya kakausapin. Nainip siguro siya kahihintay sa akin. Dinaanan ko ang malaking hukay na wala pang masyadong laman. Noong unang beses kong makita rito ay sa kabilang lupa ang mayroon. Napuno na at tinabunan ng lupa. Ngayon ay may panibago naman. I was about to go back when someone pushed me. I shrieked and grunted when I fell exactly inside the hole. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko, lalo na ng paa ko dahil tumama iyon sa matigas na bato. Binuksan ko ang mga mata ko at wala akong nakita na kahit sino sa itaas. Napadaing ako ng isa pang beses nang sinubukan kong igalaw ang paa ko. Ang sakit ng likod at balakang ko pero mas masakit ang paa ko. I couldn’t help but cry. May tumulak sa akin, sigurado ako, pero sino. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Pinilit ko na tumayo. Hanggang dibdib ko lang ang hukay at kayang-kaya ko naman na umalis dito kaya lang dahil sa masakit kong paa ay hindi ako makabwelo. “Help! May tao ba diyan?!” sigaw ko. Nagsimula na akong matakot nang walang lumalapit sa akin para tulungan ako. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiiyak. Kahit anong subok ko ay hindi ako makaalis. Sobrang dilim na rin ng pa look paligid at ang naririnig ko na lang ay ang pagsayaw ng maliliit na sanga sa hangin. “Help! Tulong!” muli kong sigaw. Mas lalo lamang akong pinanghinaan ng loob. Panay na lang ang iyak ko dahil wala akong magawa. Sibukan ko ulit na umakyat kaya lang ay natumba lang ulit ako sa sakit. Namilog lamang ang mata ko nang may makita akong flashlight. Nagsisigaw ulit ako ng tulong. Nagmamadali naman na lumapit ang school guard para tulungan ako. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo, hija? Bakit ka naroon?” Umiling ako habang patuloy pa rin sa pagluha. “H-Hindi ko po alam,” umiiyak na sagot ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas ng gate at pinaupo sa waiting shed. Balak ko na lamang sana na sumakay ng tricycle para makauwi pero sakto na nakita ko si Danica at Tristan na naglalakad papunta sa pwesto ko. Mabilis kong pinalis ang luha ko at ngumiti sa kanila. Nagmamadali na lumapit sa akin si Danica. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. “Bakit hindi pa po kayo umuuwi? Kanina pa kami nag-aalala sa bahay, lalo na si Lola.” Pinilit ko na ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman. Mabuti na lang ay madilim na kaya hindi masyadong kapansin-pansin ang dumi sa uniform ko at gasgas sa katawan. “K-Katatapos lang ng meeting, naupo na muna ako rito kasi… kasi ang ganda pala umupo rito.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya kaya lang ay wrong move dahil ang mata naman namin ni Tristan ang nagtama. Nanakunot ang noo niya. Mariin ang tingin sa akin na tila binabasa ang nasa mata ko. Akala ko ay may masasabi na naman siya o pagagalitan ako. “Tara na, gabi na,” wika niya at naunang tumalikod. I bit my lower before standing up. Unang hakbang ko pa lang ay napangiwi na ako. Humawak ako kay Danica pero hindi ko ipinahalata sa kaniya na masakit ang paa ko. “First time niyo umuwi ng ganitong oras, sa susunod po ay magpaalam na kayo para hindi po kami nag-aalala.” Tumango ako. “Yes, I am sorry.” Bilang pa lang sa kamay ang naging hakbang ko nang nanlambot ang tuhod ko sa sakit. Napaupo ako sa kalsada. Sandaling nataranta si Danica kaya napalingon sa amin si Tristan na tatlong metro ang layo. He jogged in our direction upon seeing my state. “Hala, dumudugo ang tuhod niyo!” singhal ni Danica. “Okay lang, natapilok ako kanina–Ah!” ungol ko nang maramdaman ang malaking kamay na humawak sa sakong ko. “I-It hurts,” naiiyak kong sabi. “Anong nangyari sa ‘yo?” seryosong tanong ni Tristan. “Hindi ito simpleng pagkakatapilok lang. Dumudugo ang tuhod mo, may sugat ka rin sa braso, at may dumi ang blouse mo.” Parang papel niya akong tinulungan na tumayo. “N-Natapilok nga…” sagot ko sa mahinang boses. Hindi niya inalis ang tingin niya, halata na hindi naniniwala sa sinabi ko. “A-Alright, I accidentally fell into a pit.” “Hala! Doon sa likod ng school? Ano naman ang gagawin niyo roon?” si Danica. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na nga nakausap si Allen ay nagka-injury pa ako. I clearly remember hands pushing my back. “May kikitain lang sana pero wala siya. Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa hukay kaya nahulog ko.” Hindi ko gustong sabihin sa kanila na may tumulak sa akin dahil sasabihin din nila kay Manang Teresita, ayaw ko naman na bigyan pa siya ng iisipin. Baka isumbong niya pa kina Mommy at Daddy. “Kikitain? Sino?” usisa ni Danica, may nakalolokong ngisi sa labi niya. Uminit ang mukha ko dahil mukhang alam ko kung anong nasa isip niya pero mali. Umiling ako upang itanggi kung ano man ang naiisip niya. Habang si Tristan ay nanliit ang mga mata sa akin. “W-Wala! Mali ka ng iniisip, gusto ko lang siya kausapin tungkol sa isang bagay.” “Bakit sa likod ng school? Pwede naman na sa room.” Halata na hinuhuli ako ni Danica. “Tsk. Kaya ka napapahamak,” bulong ni Tristan pero narinig naman naming dalawa. Napasinghap ako ng tumalikod siya sa akin at lumuhod. Nagkatinginan kami ni Danica, gamit ang nguso niya ay itinuro niya ang likod ni Tristan. “A-Ano?” takang tanong ko. “Sakay ka na, huwag kang maarte. Kanina pa naghihintay si Mama sa bahay.” At first, I don’t want to ride his back. Bahagya pa akong itinulak ni Danica kaya nasubsob ako sa likod ni Tristan. Ngunit para siyang bato na hindi man lang natinag sa impact ng pagsubsob ko. Lumakas ang tíbok ng puso ko nang umangat na siya. Medyo mataas din dahil ang tangkad niya. Dahil sa pwesto namin ay naaamoy ko ang natural niyang amoy at ang mabangong buhok niya. “Ito ang napalala ng mga hindi nakikinig,” bulong niya. “May sinasabi ka?” mahinahon na tanong ko dahil parang bumubulong siya. “Sabi ko pagdating sa bahay kumain ka ng marami, mas mabigat pa kalahating sako ng bigas sa ‘yo.” Napasimangot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD