Blanko ang utak ko habang nakatingin sa itaas ng balkonahe. Kahit anino ay wala akong makita. Kung hindi pa ako marahas na hinawakan ni Manang Teresita ay hindi ako magigising sa pagkakatulala.
“Halika na, hija. Kailangan na nating umalis.”
Tulad ni Daddy kanina ay natataranta rin ang buong mukha ni Manang Teresita. Si Danica naman ay tahimik na umiiyak sa tabi nito. Mahigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng damit ng kaniyang Lola. Napansin ko na wala silang dala na kahit ano bukod sa iisang bag.
Dahil wala akong lakas ay nagpahila ako sa kaniya. Sa likod kami dumaan kung saan may isa pang gate. Daanan iyon patungo sa maliit bukid na pagmamay-ari rin namin.
Tinahak namin ang madilim na daan patungo sa hindi ko alam. Patuloy lamang ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang gulo.
“Manang, ano po ang nangyayari? B-Bakit ganoon ang sinabi ni Daddy? Bumalik na tayo, please. Natatakot na ako,” umiiyak kong sabi sa kaniya pero humigpit lamang ang kapit niya sa akin.
“Hindi pwede, Charlotte! Mapanganib—” nahinto siya sa pagsasalita nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril.
Mabilis ang naging paglingon ko sa mansiyon. Nakakalayo na kami pero ang kitang-kita pa rin kung gaano kalaki ang mansiyon. Ang makikinang na ilaw at matingkad na kulay ng pintura ay kabaliktaran sa nararamdaman ko habang nakatanaw dito.
“No! No! Mommy! Daddy!”
Pilit kong inaalis ang pagkakahawak sa akin ni Manang Teresita pero hindi niya ako hinayaan na makawala. Naramdaman ko rin ang pagyakap sa akin ni Danica para hindi ako makaalis.
“Bitawan niyo ako. Babalikan ko ang Mommy at Daddy ko. Parang awa niyo na. Manang, please. Danica!”
Nagpumiglas ako pero hindi nila ako pinagbigyan ng pagkakataon na tumakbo pabalik sa mansiyon.
Nang mapagod kaming tatlo ay nawalan ng lakas ang aking tuhod. Napaluhod ako sa putikan habang nakatanaw sa mansiyon na makinang pa rin ang mga ilaw.
Ngayon ako nagsisisi. Kahit sana ngayong gabi lang ay sumuway ako. Sana hindi ko sinunod ang utos sa akin ni Daddy. Sana... sana hindi ako nanimbang ng nangyayari kanina kung bakit siya nagkakaganoon.
“Ipanalingan na lang natin na maayos ang kalagayan ng magulang mo. Naninigurado ako na walang nangyaring masama sa kanilang dalawa.”
Pinanghawakan ko ang sinabing iyon ni Manang Teresita kaya nang magkalakas siya kahit papaano ay inalalayan niya ako patayo. Si Danica ay hindi pa rin bumibitaw sa akin. Kahit nang magsimula kaming maglakad ay nakayakap pa rin siya, humihigpit iyon sa tuwin susubukan ko na gumalaw.
“Saan po tayo? Kailan tayo babalik ng mansiyon?”
May kaunting liwanag na dahil sa papataas na araw. Nasa isang lugar kami kung saan maraming bus at maraming tao na naghihintay na ng masasakyan.
Namamangha ako dahil hindi ako makapaniwala na narito na ako sa labas pero wala iyong pwesto sa puso at isip ko ngayon. Nakakatawa na kung kailan nasa labas na ako ay saka naman nanatili ang isip ko sa mansiyon. Gusto ko ng bumalik at salubungin ng yakap si Mommy at Daddy.
Sana wala lang ang lahat... sana okay lang ang magulang ko. `
Sumakay kami sa isang bus. Palinga-linga ako dahil ito ang unang beses ko na makakasakay sa ganitong sasakyan. May ibang tao rin na umaakyat sa bus. Ang iba ay nagmamadali pa na makaupo.
“Miss Charlotte, kayo na lang po sa may tabing bintana maupo.”
Nauna akong naupo sa may tabi ng malaking bintana ng bus. From here, I could see the sun slowly rising. Napakagandang pagmasdan ngunit bakit sa lalong pagtaas nito ay sakit ang lumulukob sa damdamin ko?
Nakatulog sa tabi ko si Danica. Nakasandal siya sa balikat ni Manang Teresita na tulad ko ay hindi nakatulog. Ramdam ko ang panay ang tingin niya sa akin. Maya-maya rin niya akong inaaya ng pagkain na nabili niya sa mga naglalako na pumapasok sa bus.
Lahat ng nangyayari sa mga sandaling ito ay bago sa akin. Ang tanging pumipigil lang sa kasiyahan ko ay ang nangyari kanina, ang mga magulang ko na naiwan sa mansiyon, at ang narinig kong nakakakilabot na putok ng baril.
“Malapit na tayo, hija. Sa bahay ka na lang magpahinga, alam kong pagod ka.”
Bumaba kami sa terminal ng mga bus. Nakahawak si Danica sa blusa ni Manang Teresita, habang hila-hila ako ni Manang sa isa niyang kamay.
“Sasakay tayo ng tricycle, hija. Humawak ka ng mabuti dahil medyo mauga ang daan at baka ikaw ay maumpog.”
Sumakay kami isang sasakyan na ngayon ko lamang nakita. Kailangan ko pa na yumuko para makasakay. Noong una ay ayos lamang pero nang makarating kami sa rough road ay sunod-sunod ang naging pag-umpog ko sa itaas at gilid ng kisame. Napapangiwi na lamang ako sa sakit.
“Okay ka lang, Miss? Ay, naku! Ngayon nga lang pala kayo nakasakay ng tricycle.”
Naunang bumaba si Danica, inalalayan niya ako sa paglabas nang huminto ang tricycle. Kusang lumibot ang tingin ko sa lugar na pinaghintuan. Iba’t ibang pares ng mata ang nakatingin sa direksiyon namin. Maraming bata ang naglalaro sa daanan. May nakita rin ako na nag-iinom sa labas ng kanilang munting tahanan. Nakasinghap din ako ng kakaibang amoy, sa tiningin ko ay usok iyon ng sigarilyo.
“Danica, pumasok na kayo sa loob. Ayusin mo agad ang kwarto para makapagpahinga na kayong dalawa.”
Iginaya ako papunta sa maliit na bahay na gawa sa kahoy. Maliit lamang iyon. May bakod naman na nakapalibot sa bahay kubo pero hindi nalalayo ang kanal na hanggang dito ay naaamoy ko na hindi kaaya-aya iyon.
“Maliit lang ang bahay namin, Miss Charlotte. Kaya minsan ay ayaw ko na sumama kay Lola kapag uuwi rito dahil mas maganda sa mansiyon niyo.”
Hindi ako nagsalita dahil nasasaktan lamang ako sa tuwing naaalala ko ang kalagayan ng mansiyon ngayon.
Pagpasok sa loob ng bahay ay tulad ng inaasahan ko. Maliit at halos lahat ng gamit ay gawa sa kahoy. Ang kanilang upuan ay kahoy, ang lamesa ay kahoy, maging ang bintana nila ay kahoy. May maliit na TV, at lumang electric fan na naroon.
“Pagpasensiyahan mo na, hija ang aming munting tahanan. Hindi na rin kami nakapaglinis dahil biglaan lamang ang dating natin. Ang anak ko naman ay nasa dorm pa nito dahil malayo ang unibersidad dito.”
“Walang pong problema, hindi naman po ako nagrereklamo.”
Sinundan ko si Danica papasok sa isang kwarto. Namangha ako na maging ang kama ay gawa sa kahoy. Walang kahit anong foam, maliit na sapin lang ang naroon.
“Tawag dito ay banig. Wala kaming kutson, Miss, pero malamig naman tuwing gabi kaya masarap pa rin ang tulog. Hindi ko lang alam kung makakatulog ka dahil matigas ang higaan. May mga lamok din pero bibili na lang ako ng katol mamaya.”
“Katol?” nagtatakang tanong ko.
“Ah, katol, Miss Charlotte, ‘yong pamatay ng lamk para hindi tayo lapitan.”
Sinubukan ko na mahiga sa kama niya o papag daw. Matigas sa likod. Tumabi sa akin si Danica pero may distansiya pa rin sa gitna namin. Wala namang problema sa akin kung tumabi talaga siya sa akin pero alam ko ng hindi siya komportable.
Nakaidlip lang ako dahil sumasakit ang likod ko. Tulog pa si Danica nang lumabas ako ng kwarto na tanging kurtina lamang ang harang.
“Oh, hija, nagugutom ka? Sakto, nagluluto ako ng meryenda.”
Lumapit ako sa direksiyon niya. “Hindi po ako naguguto. Manang, kailan tayo babalik sa mansiyon? O nadala niyo po ba ang phone niyo? Naiwan ko po kasi sa kwarto ko ang cell phone ko.”
Nag-iba ang aura ni Manang, parang ay pilit itong itinatago sa akin.
“A-Ang sinabi lang sa akin ng magulang mo ay dito muna tayo, isipin mo na lang na bakasyon ito. Huwag mo raw silang masyadong isipin dahil nasa maayos silang kalagayan.” Pagtapos niyang sabihin iyon ay umiwas siya ng tingin.
“Nagkausap na po ba kayo? Sila ang nagsabi niyan?”
Tumango siya. “Oo. Panloloob lang ang nangyari sa mansiyon pero nag-alala pa rin ang Daddy mo sa kalagayan mo kaya naisipan niya na magbakasyon ka muna rito.”
Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.
Nang sumapit ang dilim ay kumain na rin kami ng dinner. Pareho kaming nakaupo ni Danica sa hapagkainan, hinihintay ang niluluto ni Manang Teresita. Nang ibaba niya ang pinggan ng niluto niya ay kumunot ang noo ko sa pagtataka.
“Tortang talong ‘to, Miss Charlotte! Masarap ‘to, talong na may itlog.”
Dahil sa pagkamangha ay tinikman ko agad iyon. Nanlaki ang mata ko nang sumabog ang lasa sa bibig ko. Natawa si Manang at Danica sa naging reaksiyon. I am not exaggerating, it actually tastes good!
“Bakit po ngayon lang kayo nagluto ng ganito?” takang tanong ko.
Umiling si Manang. “Hindi na ako makapagluto ng ganito dahil may listahan ng lulutuin na ibinibigay ang magulang mo. Ano naman ang panama ng tortang talong ko sa mamahaling luto na gusto ng magulang mo.”
Kahit ang pinggan at baso ay ibang iba sa mga nasa mansiyon. Nanibago ako na wala akong makita na kahit anong bagay na kumikintab.
“Miss Charlotte, maghihilamos ako sa likod bahay. May balon doon, gusto mo ba na sumama?”
Napatingin ako mula sa bintana. Walang kahit anong ilaw mula sa labas kaya paano siya maghihilamos doon. Nakita niya yata ang pag-aalinlangan ko kaya natawa siya.
“Bukas ka na lang maligo, hija kung hindi ka komportable ngayong gabi. Magpalit ka na lang ng damit mo. Kalkalin mo na lang ang damitan ni Danica sa kwarto niya.”
Pumasok ako sa kwarto. Naghanap ako ng pwedeng maisuot ko na damit ni Danica. Dress ang kinuha ko. Sakto lang sa akin dahil hindi naman nalalayo ang katawan namin ni Danica.
“Sa kabilang kwarto na lang kami ni Danica, hija. Ikaw na lang dito para komportable ang tulog mo. Isindi mo na lang ang electric fan para hindi malamok. Alam ko na hindi ka makatutulog kapag may katol sa ilalim dahil malalanghap mo ang usok.”
Gusto kong sabihin na hindi nila ako kailangan na ituring na kakaiba pa rin. Nandito ako sa kanila kaya ako dapat ang umayon sa buhay nila.
Hindi ako nakatulog ng maayos kanina kaya wala pang ilang minuto ay hinila na ako sa dreamland. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa ingay ng mga aso. Sunod-sunod silang tumatahol.
I suddenly remember the creepy stories of Danica. Sabi niya ay maraming kababalaghan na nangyari rito sa kanila. I can’t remember how many there are but I remember that she mentioned something like aswang, kapre, and manananggal. I shivered with my thoughts.
I prayed silently when I heard the door in the living room creaking open. Dahil kurtina lang ang harang sa kwarto na ito ay nakikita ko sa ibaba ang anino ng kung sino. The shadow looks so big and tall. Ito ba ang sinasabi ni Danica na kapre?
Unang gabi ko pa lang rito ay kinakapre na agad ako? Napaupo ako sa pagkakahiga dahil sa takot. Palapit nang palapit ang anino sa kwarto kung nasaan ako kaya napabangon ako. My mind went blank. Kinuha ko ang bolster pillow saka dahan-dahan na naglakad din papunta sa malapit sa kurtina.
My eyes widened when I saw a finger on the side of the curtain, attempting to open it. Hindi ko hinayaan na mabuksan niya. With my eyes closed, I hit whoever it is with the bolster pillow I am holding. Impit akong nagtitili habang ginagawa ko iyon.
“Tangina,” rinig kong singhal ng kung sino man iyon. Hindi nabanggit sa akin ni Danica na marunong pa lang magmura ang mga kapre!
Nahinto lamang ako sa paghampas nang marahas niyang hinila ang unan kaya maging ako ay nahila. Nahigit ko ang aking paghinga nang tumama ang buong katawan ko sa nasa harapan ko. Pareho kaming nawalan ng balanse kaya ang siste ay natanggal sa ang kurtina. Padapa na nadaganan ko ang kapre.
“Ah!” I screamed when I felt his huge hands holding my waist.
“Aray!” sigaw naman ng kapre dahil pinaghahampas ko siya. Nagmamadali akong tumayo. HIndi ko sinasadyan na matamaan ang gitna niya kaya parang mabangis na hayop siyang uminda.
Pagtayo ko ay sakto naman na humahangos na lumabas si Manang Teresita. Puno ng pag-aala ang mukha niya lalo na dahil nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Pigil na pigil ko ang sarili ko sa pag-iyak.
“Manang, may kapre… may kapre!”
“Sinong kapre?!” Inalis ng lalaki ang nakatabing na kurtina mula sa kaniya.
My heart frantically beat when I saw his furious expression. Hindi siya kapre… tao siya.