"Pakain niyo nalang po sa kanya ito kapag nagising."Bilin ko sa Nurse. "Sige po Ma'am. Anak niya po ba kayo?" Nakangiting tanong nito sa akin "Opo.Huwag niyo po kakalimutang sabihing dadaan po ulit ako bukas." Ilang araw ko naring binibisita si Mama. Magaan nga ang loob nito sa akin. Nasabi rin ng nurse na madali raw siyang pakitunguhan. Hindi gaya ng ibang Pasyente. Joyful ang Nanay ko. Siguro namana ko rin sa kanya ito. Napatigil ako at hinalungkat ang cellphone ko sa Bag ko. Nagriring kasi ito. Incoming Call Ron I was to answer the call when it was ended. I tried to call back pero hindi na niya ako sinasagot. Kahapon pa siya misscall ng misscall. Hindi naman sumasagot kapag tinatawagan ko. Nagpunta ako sa Meredith ngayon. Hindi ko nahagilap si Kuya. Nasa Meeting raw siya

