Nagkausap kami ng mejo matagal ng tunay kong Ina. Hindi ko nga lang masabi sa kanya na anak niya ako. Mukhang hindi pa ako handa. Sa tuwing mag aattempt akong magsabi sa kanya ng salitang 'Mama'ay naiiyak ako. She wasn't even able to remember she has a daighter. Nakatingin lang ako sa pagsara ng pintoan ng kwarto kung nasaan si Mama. Sa tingin ko naman ay maayos siyang inalagaan rito. Malinis naman siya at hindi magulo gaya ng ibang pasyente. "Gusto mo bang umuwi ng bahay o sa unit mo?" Nilapitan ako ni Tyron ng tuluyan akong humakbang palayo ng pintoan. I'll definitely visit her again "Sa Unit ko muna. I can't go home." Huminga ako ng malalim at nag angat ng titig kay Tyron. Malungkot ang mga mata nito. I know he is feeling bad for me. Despite of what happened. Hindi naman ako si

