"Kailangan mo paring ipangako sa akin na lalaban ka. Na hindi kayo mawawala sa akin" kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ang pagtulo ng luha ko. I was holding her hand. Nakatitig lang ito sa akin. Ang payat payat na ng hitsura ni Camille at namumuti na ang mga labi nito. Nararamdaman ko ang mga mabibigat na paghinga nito. "Lu-Luke. Thank You so much for marrying me. Ipinaramdam mo sa akin kung paano maging asawa at paano maging Ina. I chose to have this baby, " garalgal ang boses na pinakawalan nito. Hindi ko mapigilan ang pagkirot ng dibdib ko. I hate to see her like this. Alam kong darating at darating ang panahon na ito.. Na lalala ang kondisyon ni Camille at baka hindi niya kayanin ang panganganak. May sakit sa Puso si Camille since birth. Saka ko lang nalaman ang karamdaman

