HAIDE " Let's go Hon!" Yaya sa akin ni Diego nang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. Dito niya ako dinala sa Makati, labing minuto lang ang byahe namin nakarating kami sa isang Fine Dining Restaurant. Dito sa Black bird na matagpuan sa Nielson Tower. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad sa akin. "Salamat Hon! Ang ganda dito." Masayang turan ko. Ngumiti siya at hinapit niya ako sa aking baywang. Siya pa ang nagdala ng aking bag. Pagpasok namin sa loob sobrang ganda ng paligid. May eleganteng interior at aviation theme design. May sumalubong sa amin na isang magandang babae na naka uniform. Binati niya kami at tinanong kung may reservation. Nang sinabi ni Diego ang kanyang pangalan ngumiti ito at hinatid kami sa table for two na pina reserve

