THIRD PERSON Nakatulala lamang si Eden hanggang sa hindi niya na makita si Miguel. Wala sa sarili na kinuha niya ang pagkain na binigay sa kanya ni Miguel at kinain. Habang kumakain siya, hindi mawala sa kanyang isipan na tinawag siya ni Miguel na Ate. Hanggang sa naubos niya ang pagkain iniisip niya pa rin si Miguel. Pinilig niya ang kanyang ulo at uminum ng tubig. Nagtaka naman si Consing nang makita niya si Eden na kumakain pero parang malalim ang iniisip. Kukuha sana siya ng tubig dahil nauuhaw siya. Pero pagpasok niya sa kusina nakita niya si Eden na kumakain mag-isa. "Magandang umaga Eden. Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" Mahinahon na tanong ni Consing kay Eden. Medyo nagulat si Eden ng biglang nagsalita si Consing. Hindi niya n

