HAIDE "Honey, honey, wake na honey. Kailangan mo munang kumain Wife." Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Diego malapit sa aking tainga. Kaya dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata. Sinalubong kaagad ng labi ni Diego ang labi ko. Ganito talaga siya sa akin sa tuwing ginigising niya ako. Kaya nasanay na rin ako. Pero ngayong umaga sobrang sakit ng buo kong katawan. Parang wala akong lakas na bumangon. "Good morning Honey! I love you!" Pagbati ni Diego sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Pagkatapos niya akong halikan. Napanguso ako dahil ang fresh na fresh na niyang tingnan. Samantala ako kahit mog-mog wala pa. "Morning lang walang good. Hindi pa nga ako naka mog-mog. Saka sobrang sakit ng buo ko'ng katawan. Ano ba ang ginawa mo sa akin?" Sungit-sungitan ko'ng tanong.

