THIRD PERSON "Langga ayos ka lang ba? I'm sorry sa ginawa ni Mama. Nanibago lang yata o nagulat dahil may kasama ako'ng babae at pinakilala na girlfriend. Hayaan mo kausapin ko si Mama." Hinging paumanhin ni Austin kay Lily pagpasok nila sa kwarto ni Austin. Tahimik lamang si Lily. Kanina niya pa napansin na ayaw talaga sa kanya ng mama ni Austin. Parang hindi niya nga malunok ang kinain niya kanina. Kaso nahiya naman siya sa Papa ni Austin at sa maga kapatid nito. Sapagkat mabait ito sa kanya. "Austin pwedi ba'ng gumamit ng banyo mo. Nalalagkit na ang katawan ko." Yun lang ang tanging sa sagot ni Lily sa sinabi ni Austin. Ayaw muna ni Lily pag-usapan ang tungkol kanina. Kaya hindi niya sinagot si Austin. Malakas na bumuntong hininga si Austin saka tinuro kay Lily ang banyo. Walang sali

