THIRD PERSON "Pagdating ni Diego sa bahay ni Consing. Naghihintay na si Dante. Pag park ni Diego ng sasakyan. Lumabas siya kaagad saka umikot sa side ni Haide. Mahimbing pa rin ang tulog ni Haide kaya maingat niyang binuhat ni Diego papasok sa loob ng bahay at dinala sa silid ng dalaga. Ingat na ingat si Diego upang hindi magising ang kanyang asawa. Nang maayos niyang mahiga sa kama. Inayos niya ang kumot sa katawan ni Haide. Pagkatapos tumungo si Diego sa mga damit ni Haide upang kumuha ng bistida. Pina-ngako niya sa kanyang sarili na kahit anong gusto ng kanyang asawa gagawin at susundin niya. Para lang mapatawad siya ng kanyang asawa at bumalik sila sa dati. Hindi niya iniisip kung ano mamaya ang reaction ng mga tao na makakita sa kanya na, nakasuot siya ng bistida. Nang makakuha na s

