DIEGO "Ang bango mo talaga Hon. Hindi pa ako naka alis, na miss na kita kaagad." Saad ko kay Haide. Habang yakap ko siya mula sa kanyaang likuran. At inamoy-amoy ko ito sa kanyang leeg. "Diego ang aga-aga kung ano ano ang iniisip mo. Magbihis ka na nga! Saka okay na ba ang lahat na gamit mo? Baka may nakalimutan ka pa, sabihin mo na sa akin para mailagay ko lahat. Huwag magpa gutom at magpaka pagod duon. Mag-ingat ka." Wika ni Haide habang nakayakap ako sa kanyang baywang. Nandito kami sa aking silid dahil inayos niya ang gamit na dadalhin ko. Maaga kaming nagising na dalawa dahil kailangan ko pang mag-ayos para sa pag punta ko sa Iloilo. Kaya alas singko ng umaga nagising kami at kaagad na pumunta sa aking silid. Habang naliligo ako, siya naman ay inumpisahan ng ayusin ang mga dadalhin

