HAIDE "CONGRATULATIONS NEWLYWEDS ." "MABUHAY ANG BAGONG KASAL." "CONGRATULATIONS DAHLIA, CONGRATULATIONS GUDO." Maririnig na pagbati ng mga kaibigan, pamilya at bisita sa loob ng simbahan sa bagong kasal. Ngayon ang araw ng kasal ni Ate Dahlia at kuya Gudo. Isang buwan na puro blessings ang dumating sa aming lahat. Tuluyan ng nauwi ni Kuya Austin at Ate Lily ang kanilang anak mula sa ospital. Nagkausap at nagkaayos na rin si Ate Lily at ang mga magulang ni Kuya Austin. Tuluyan nang gumaling si Tatay at bumalik na ang kanyang alaala. May artificial hand na rin si Kuya Miguel at balita namin magkamabutihan na Sila ni Ate Eden. Sa susunod na araw uuwi sila dito para mag celebrate ng isang taon sa aming triplets. Sobrang saya naming lahat sa nga blessings na dumating sa buhay namin. Kumpl

