HAIDE AFTER 5 MONTHS "Ayan gwapo na ang bossing ko. I love you! Mag-ingat ka sa trabaho honey." Wika ko pagkatapos ko'ng ayusin ang kanyang necklace at suot pang opisina. Alas siete na ng umaga kaya papasok na si Diego sa kanyang kompanya. Nang okay na ang kanyang ayos kinawit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg. Mahigpit naman akong niyakap ni Diego sa aking baywang. Mahimbing pa rin ang tulog ng triplets. Ang bilis lang ng araw at buwan. Limang buwan na ang kambal. Bumalik na rin si Diego sa trabaho. Katulad nga ng sinabi ni Diego bumalik ako ulit sa pag-aaral, pero dito lang muna sa bahay. Si Ate Lily at Kuya Austin tuluyan na nga na naging masaya. Nandito pa rin ang mga Ate ko at sila ang kasama ko sa pag-alaga ng mga triplets. Araw-araw din tumatawag ang mga kapatid ko, p

