THIRD PERSON Pagdating ni Romnick sa kanyang apartment. Pagpasok niya sa loob, tumungo siya kaagad sa refrigerator upang kumuha ng beer. Gusto niyang uminum upang kalimutan ang eksina kanina. Kahit alam niya na walang kasalanan si Jessa. Parang hindi niya matanggap na may humalik sa labi ni Jessa. Matagal niya nang gustong halikan ang labi ni Jessa ngunit pina-ngako niya sa kanyang sarili sa gagawin niyang memorable ang unang halik sa labi ni Jessa 'yun ay sa kanilang kasal. Isa pa Mahal at sobra ang respito niya sa kanyang girlfriend. Gusto niya kanina patayin ang lalaki na humalik kay Jessa. Kumuha si Romnick ng limang beer at pumunta sa kanyang sala. Kaagad niya itong binuksan at inumpisahan na inumin. Nakita niya na umilaw ang kanyang cellphone. Nang tiningnan niya message ni Jessa.

