CHAPTER 166 Pagkatapos ayusin ni Miguel ang kanilang kunting damit. Ni-lock niya din ang kanilang bahay. Pagkatapos bumalik na siya sa kinaruruonan ni Tommy. Hindi na nagbihis si Tommy ng damit dahil wala naman siyang pamalit na maayos. Nakasuot siya ng maong short at kupas na damit. Nang okay na ang lahat. Kaagad naman silang gumayak. Binuhat ng isang kasamahan ni Knight si Abraham. Hindi kasi makapasok ang sasakyan dahil kailangan pang tumawid sa sapa. May balsa na gawa sa kawayan ang tanging ginagamit ni Luzviminda at Landobsa tuwing tatawid sila papuntang bayan para mag binta ng kanilang mga gulay. Habang papunta kanina ang grupo ni Knight sa lugar kung saan si Abraham tinawagan niya na kaagad si Diego. Kaya ngayon parating na si Diego at Romnick dala dala ang dalawang chopper. Si Die

