THIRD PERSON "Afam ka po ba Kuya Diego ? Diba po ba, sabi mo boyfriend ka ni Ate Haide po? Sabi niya kasi sa amin nuon mag bo-boyfriend lang siya kapag Afam po?" Inosenti na tanong ni Tom kay Diego. Pagpasok nila kanina sa loob ng bahay ni Glorya nagpakilala kaagad si Diego kay Glorya at sa mga kapatid ni Haide na boyfriend siya ng dalaga. Nakaupo sila ngayon sa mahabang upuan sa sala sa bahay ni Glorya. Kaharap ni Diego si Glorya, Rina at Rose. Nakaupo naman si Mara sa hita ni Rina. Magkatabi naman si Diego, James at Tom. Napaubo naman si Diego habang si James malakas na tumawa. Sa tanong ni Tom. "Tom, samahan mo muna si Mara sa kwarto. Kung ano-ano ang tanong mo kay Kuya Diego. Ang daldal mo talaga." Saway ni Rina kay Tom kaya napakamot nalang ng ulo si Tom at humingi ng sorry kay Die

