HAIDE "Senyorito, boss among tunay. Ang dami naman po nito. Nakahihiya naman po." Sambit ko nang mabuksan ko ang isang malaking maleta. Para daw lahat sa akin. May mga damit, sapatos, pormal dress, may mga iba't ibang klasing chocolates na sa tv ko lang napanuod. May malaking teddy bear pa. Parang magkamali yata si Senyorito. Habang kumakain siya kanina ng kanyang almusal hindi niya ako pina-alis sa dining area. Hinintay ko siyang makatapos sa kanyang pagkain. Pagtapos niyang kumain ng kanyang almusal.Magkasabay kaming pumunta sa kanyang opisina dahil nandun daw ang kanyang mga gamit. Ngunit pagpasok namin, isang maleta lang ang nakita ko. At ito nga, ang pasalubong niya daw sa akin lahat. "Sa'yo lahat 'yan. Hindi ko kasi alam ang mga binili ng secretary ko para sa'yo. Pinakiusapan ko l

