HAIDE "Anong sinasabi niyong bunos? Sino ang magbibigay sa inyo ng bunos at bakit?" Seryuso na tanong ni Diego sa lima kong mga Ate. Naka upo kami ni Diego sa sofa dito sa living room. Habang si Nanay Greta nakaupo naman sa kabila. At ang Lima ko'ng mga Ate nakatayo sa harapan namin na nakayuko. Umangat ng ulo si Ate Mylene at napakamot sa ulo na parang kinakabahan. "Senyorito pasensya na po kayo Haide. Kasi...Kasi ano, n'ong unang dumating ka dito Senyorito n'ong nahimatay si Haide habang buhat mo siya. Napansin kaagad namin na parang may spark sa inyong dalawa. Na parang bagay kayo, saka hindi ka nagalit sa ginawa sa'yo ni Haide. Binuhat mo pa siya upang dalhin sa kanyang kwarto. Kaya bigla namin naisipan na baka may crush ka kay Haide. Kaya ayun nang umalis kami n'ong sinabi mo na ik

