HAIDE "Bakit ang tagal niyo? Anong ginawa niyo? Saan kayo nanggaling? Nan'dyan lang naman sa labas ang sasakyan ko?" Tanong ni Diego sa mga Ate ko nang makapasok sila sa loob ng bahay. Dahil sa pagka marites namin kaninang dalawa nakalimutan namin ni Diego ang mga pinamili niya. Kaya pina kuha niya sa mga Ate ko. Naghintay kami sa sala dahil nandito din si Mamita. Nagtaka kami kung bakit kalahating oras na hindi pa rin sila makabalik. "Pasensya na Senyorito ano kasi a......" Hindi na natapos magsalita si Ate Lily ng dumating si Nanay Greta. "Kasi naabutan ko sila labas na nagtatago pa sa dilim habang pinapanuod nila si Daisy at Dante. Mga marites talaga." Sumbong ni Nanay Greta. Nilapag naman ni Mamita ang kanyang hawak na tasa ng tea sa mesa. Namilog pa ang kanyang mga mata na tumingi

