Aurea meets Covey

1089 Words
Covey POV “I’m sorry Covey pero hindi umabot ang rating mo sa screening.” “Pe-pero Sir...” “Wala tayong magagawa, kailangan nating sumunod sa patakaran ng school. You should shift to another course or else maki-kick out ka. Anyway you’re very talented and creative, sa Industrial Arts ka na lang para magamit mo ‘yang talent mo.” “But Sir, pangarap ko pong maging engineer...” “I’m really sorry.” Sh*t! Paano na ‘to? Pagagalitan ako sa bahay ‘pag nalaman ‘to ng parents ko. Napakuyom na lang ang kamao ko. Gusto kong bumasag ng mukha o kaya sumigaw. Gusto kong magwala pero wala akong karapatan. Baka lumala lang ang gusot. Yes, I belong to STEM department pero ano pa bang magagawa ko? I’m really a failure. Saang course kaya ako lilipat? Alam ko na! Since math ang favorite subject ko, I’ll go to ABM. Humingi ako ng recommendation sa adviser ko saka nagfill up ng shift form. Then naglakad na ako patungong ABM department. “Heyy Covey sa’n ka pupunta ‘tol? “Pupunta ako ng ABM dept. dun ako magshishift.” Tugon ko kay Tom, isa sa mga barkada ko. “Sayang ‘tol mababawasan na naman ng pogi ang STEM. Pero balita ko marami raw chicks na magaganda sa ABM. Naro’n din si Aurea one of the Goddess of this campus.” “Don’t worry ‘tol ilang Goddess na ba ang napaiyak ko? For sure susunod na siya.” “Goodluck ‘tol! Siguradong marami ka na namang mapapaiyak na chicks ‘don haha!” “Haha ako pa?” Naglakad na ako patungong ABM dept. Nagse-cellphone ako habang naglalakad nang biglang may sumulpot na babaeng nagmamadali sa paglakad then we bump into each other! “Aahhh!” Parehas kaming napahandusay. “So-sorry.” “Hindi mo kasi tinitignan ang dinaraanan mo!” “Pasensya na nagmamadali lang talaga ako.” Simbilis ng kidlat na tumayo ang babae saka nagtatakbong umalis nang walang kalingon-lingon. Ramdam ko pa rin ‘yong sakit sa may bandang kaliwa ng noo ko. Pinulot ko ang bumagsak ‘kong cellphone. Napabuga na lang ako ng hangin. Basag ang screen. Isa na akong hari ng sablay! Nagpaparamdam na siguro para bumili ako ng latest iphone. ? Tumayo na ako saka pinagpag ang aking pantalon. Nagpunta ako sa faculty room para hanapin si Ma’am Agoncillo, ang department head ng ABM. Hindi naman ako nabigo. “Good morning Ma’am. “Yes, what can I do for you iho?” Medyo nakakatakot ang awra niya. Kung hindi ako nagkakamali, hawig sila ni Ms. Amelia sa cartoon movie na Sara, Sara Prinsesa dahil sa suot nitong eyeglass. ? “Ma’an I’m from STEM department and magshishift po ako sa ABM.” “Omo? Waeyo?” Hala? Pati rin si Ma’am nainvade na ng Kdrama! “Ah eh...” Napakamot na lang ako ng ulo. “Oh I know na. Ok sige, pero meron ding screening dito sa ABM iho ha?” “Yes po Ma’am.” “May I see your card?” Nahihiya akong inabot sa kanya ‘yong card. Pinasadahan niyang mabuti ‘yong mga nakasulat na grades. “Wala namang problema at saka mataas naman ang grade mo sa math.” “Yes po Ma’am bale favorite ko po kasi ang math...” “Hindi ko tinatanong.” Taas kilay niyang tugon. Napakagat labi na lang ako. “Char! Ikaw naman hindi mabiro hehe.” Grabe si Ma’am akala ko seryoso na siya kanina. Kinabahan ako do’n. ? “Ok dahil it’s already breaktime, hanapin mo mamaya si Sir Jei Yu. Siya ang magiging adviser mo. Grade 12-Athena.” “Thank you po Ma’am.” Paalis na sana ako pero may pahabol pa siya. “Mr. Covey, ikaw ang isasabak kong pambato ng ating dept. sa Mr. Sports sa gaganaping campus intramurals.” “Pero Ma’am...” “H’wag ka nang tututol pa or else hindi kita tatanggapin dito?” Paktay! Makakaangal pa ba ako? “Ahh hehe ok po Ma’am. Sige po alis na po ako.” “Good!” Tugon niya sabay kindat. Nagsitayuan naman ang balahibo ko sa ginawa ni Ma’am. Naku po?! Pati ba naman matatanda nahuhumaling sa kagwapohan ko? Char! ✌? Medyo malayo pa ang canteen at siguradong marami nang pila ngayon kaya tinawagan ko ‘yong kaibigan kong staff ‘don na si kuya Marlon para umorder ng food at magpareserve ng table. Papalapit na ako ng canteen nang mapansin kong parang may pinagkakaguluhan ang lahat. Nang papasok na ako’y nabaling naman ang atensyon sa akin. Para akong korean popstar na naglalakad sa red carpet at pinagkakaguluhan ng mga fans. Lalo na’t suot ko ang aking sunglass na pampadagdag pogi points. Nakita ko si kuya Marlon, itinuro naman niya kung saan banda ang table na pinareserved ko. Nagtaka ako nang may babaeng nakaupo doon. Diretso lang akong lumakad papalapit sa kinaroonan niya. Nagulat siya nang maupo ako sa harap niya. “Hmmm excuse me?” “Yes?” “Can’t you see I’m sitting here?” Mataray niyang tugon. “I know.” Tinanggal ko ang sunglass ko saka tumitig sa kanya. Napahinto siya saglit bago nakasagot. Natangay siguro siya sa mapang-akit kong tingin. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ako ang nauna sa table na ‘to and I didn’t give you permission to sit here.” Natawa lang ako sa sinabi niya. “Is there something funny?” Naiinis niyang wika. “Miss, ako ang unang nagpareserved nito kaya makakaalis ka na.” “What the...” “Ahh miss beautiful, nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na pinareserve po ni Mr. Pogi yang table na ‘yan pasensya na po. Do’n na lang po kayo sa kabilang table.” Mas lalo pa siyang nainis sa sinabi ni kuya Marlon. Tinapunan ko naman siya ng mapang-asar na ngiti. “Oh no thanks!” Nanggalaiti niyang tugon. Nagring ‘yong phone niya. Natataranta naman niyang sinagot ‘yung call. “Yes Ma’am good morning. Pinapatawag po ninyo ako Ma’am? Ah ok po Ma’am. Sa’n banda Ma’am, sa library? Yes po Ma’am. l’m on my way.” Nakakatuwa siyang pagmasdan. “Ahh kuya, pakibigay na lang po ‘yong order ko sa lalakeng ‘to. Charity ko na po sa kanya.” Mapakla siyang ngumiti saka nagmamadaling umalis. Pinigilan ko ang sariling matawa sa mga naging kilos niya. Naglalaro naman sa isip ko kung paano siya dadaan sa aking mga bitag. Nice to meet you Aurea! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD